Taong 2015 pinag-usapan at pinagdebatehan sa Internet worldwide ang kulay ng isang damit na ginamit sa kasal.
Tinawag pa nga itong “#TheDress that broke the Internet” sa isang sikat na US TV show.
Sa sobrang pagka-viral, nakuha nito ang atensiyon nina Kim Kardashian at Justin Bieber.
At that time, ang post ni Kim, isang reality-based TV show star, pinag-awayan raw nila na noon ay asawa niyang si Kanye West ang kulay ng damit: kung “black and blue” ba o “white and gold.”
Fast forward to present, ang mag-asawang nagpa-viral sa damit—ang couple na sina Keir Johnston at Grace Johnston—ang nasa gitna ng kontrobersiya.
Nag-plead ng guilty si Keir, 38, sa pananakal sa kanyang asawang si Grace sa pagdinig na ginawa sa High Court sa Glasglow, Scotland, noong May 9, 2024, ayon ulat ng The Independent.
Naka-detain ngayon si Keir hanggang sa mabasahan siya ng sentensiya sa darating na June 6.
Read: Pinoys answer TikToker asking why Filipinos smell good

Keir Johnston (2nd from left) and wife Grace (3rd from left) when they appeared on Ellen DeGeneres's talk show in 2015.
Read: Stories of 10 single mothers defying the odds
MAN TRIES TO STRANGLE, THREATENS WIFE
Ginanap noong nakaraang linggo ang pagdinig tungkol sa kaso ng pagbabanta ni Keir sa buhay ni Grace noong March 6, 2022.
Nakaranas din ng verbal abuse si Grace mula sa mister.
Ibinahagi ng prosecutor na si Chris Macintosh sa korte na namuhay nang may takot si Grace kasama ang kanyang “abusive husband,” ulat ng The Record.
Saad ng prosecutor, “There is no permanent police presence on the island, and she was in a situation where she felt trapped.”
Ibinahagi rin sa korte na minsan ay hindi pumayag si Grace sa kagustuhan ng mister na huwag puntahan ang isang job interview.
Makalipas ang ilang araw, sinabi ni Keir na iiwanan na niya si Grace. Umabot sa dahas ang eksenang ito.
Lumabas si Grace sa kanilang bahay para pigilan ang pag-alis ni Keir.
Sumunod si Keir “and pinned her to the ground,” lahad ni Macintosh sa korte.
“He placed both knees on her arms, so she was unable to move. He then began strangling her with both his hands.
“She was initially able to scream and feared for her life and believed Johnston intended to kill her as he was very forceful,” pagpapatuloy ni Macintosh.
Sinabi rin sa korte na narinig si Keir na nagsabing, “Somebody is going to die,” nang mangyari ang pag-atake sa asawa.
Nagtamo ng mga pasa si Grace, pero hindi na dinala sa ospital.
Dagdag pa ng The Times, nang maawat ng isang witness si Keir, pumasok umano ito saglit sa bahay. Lumabas uli at binantahan ang misis na tatapusin niya ang buhay nito, bago niya umano sakalin uli.
Iniulat na may hawak umanong patalim si Keir.
Later ay nakita siyang nagtatago sa ilalim ng desk sa kanilang bahay, hawak pa rin ang patalim.
Napaulat na itinutok din umano niya ang patalim sa kanyang leeg bago ito maagaw mula sa kanya.
Read: Japan airport maintains record of zero luggage lost in 30-year history
THE VIRAL DRESS
Ang viral dress na ginawa ni Keir ay isinuot ng kanyang mother-in-law sa kanilang kasal noong 2015.
Ito ay kinuhanan ng larawan ng isang bisita, na siyang nag-post sa Internet.
Ito rin ang naging daan para maimbitahan noon ng Hollywood host na si Ellen DeGeneres ang mag-asawang Keir at Grace na lumabas sa kanyang programa.
Niregaluhan pa ni Ellen ang mag-asawa ng $10,000 (PHP560,000) at trip to Grenada.
