Viral ang post ng isang female Tiktoker sa Qatar dahil sa kanyang video kung saan nagtatanong siya kung anong detergent ang ginagamit ng mga Pinoy.
Napansin daw kasi niya na maraming Pilipino ang mabango, tulad ng Filipino couple na nakasalubong niya.
Sa short TikTok video, makikita ang uploader na naglalakad sa may kalsada pauwi at nagkukuwento. Ipinost niya ang video nitong April 28, 2024.
Pahayag ng TikToker (published as is): “They smell like they come out of washing machine and the smell is like fresh. They smell like detergent.
“And not only this couple. Everyone. Everyone Filipino smells the same.”
Panawagan niya sa mga Pinoy (published as is), “Which detergent you use? I want the same because it smells amazing and also I like it. I kinda like it. And you can say all Filipinos smells the same, seriously.”
Bumaha ng comments ang post ng TikToker. Meron na itong 3.5 million views at higit 10,000 comments.

Read:
- Labandera sends 6 kids to school; all 6 professionals now
- View of Mount Fuji will soon be blocked for tourists, why?
FOREIGNERS AGREE pinoys smell good
Hindi nag-iisa ang foreign TikToker sa kanyang obserbasyong ito. May ilang foreigners na ganoon din ang komento.
Sabi ng isang foreigner, “I have lived in Dubai for 7 years… this has always been on my [mind]... they smell amazing and I like it too.”

Dagdag ng isa pang foreigner, sobrang invested siya sa topic na ito (published as is), “can a filipino do a video how to do laundry? Like PLEEASSEEEEEEE”
Comment ng isa pa, “I confirm Filipinos are the cleanest people I met here.”
“True,” pagsang-ayon ng TikToker.


Pagbabahagi ng isang Pinoy (published as is), “I’m a Filipino as an English teacher in Japan. My Kindergarten students always say 'You smell like washingmachine."
Pag-agree ng isa pang taga-Dubai, “100% you right same in Dubai.”
Dagdag ng TikToker, “Yes even for sports uniforms Filipino wear they never smell like sweat only this detergent smell”


Komento ng isang Pilipino, “I remember my colleague before; she said that Filipinos have this specific smell on their clothes aside from perfume, so I introduced FabCon [fabric conditioner] to her.”

Read: Professor in Mindanao plagiarizes her student's thesis
PINOYS give answers why they smell good
Naging aktibo ang mga Filipino netizens sa pagsagot sa tanong ng TikToker.
Maraming kababayan ang halatang natuwa kaya seryoso sila sa pagsagot sa tanong.
May pahayag na malinis kasi sa damit at sa katawan ang mga Pilipino.
May nagbiro namang dahil daw ito sa pawis ng Pinoy.
Marami ang sumagot na wala naman talagang sikreto dito kundi mabangong sabon at fabric conditioner.
Maraming netizens ang nagbanggit ng halos lahat ng brands ng detergent at fabric conditioners na sikat sa Pilipinas.
May isang netizen ang nag-summarize ng karaniwang sagot: “Any kind of detergents just put fabric conditioner.”


Komento ng isa pa: “It’s not detergent it’s fabcon”
Pero hirit ng isa: “Likely it’s not detergent, it’s the body soap.”


May netizen naman na inisa-isa ang practices ng Pinoy kaya kaaya-aya ang amoy nila. Sabi ng netizen:
"Bath everyday;
change clothes everyday;
outside clothes is different from inside;
detergent, fabcon for clothes; put deodorant.”

Read: Handsome model claims he was fired from Met Gala 2024
Pero hindi lahat ay positibo. May ilang Pilipinong netizens ang naging sarcastic. Tulad ng komentong may pagkakataong hindi mabango ang lumalabas sa bibig ng ibang Pilipino.
Makahulugang hirit ng isa pang Pilipino: “Minsan parang may poso negro na din pag nag sasalita na.”
Sundot ng isa pa, "marites" daw ang Pinoy.

Generally, mas kilala ang mga Pilipino sa pagiging warm and friendly sa mga foreigners.
Di ba't ito ang madalas na papuri sa atin ng ibang lahi?
Sabi ng isang banyaga (published as is), “well its true but I like them also they are very kind people’s ever I seen big respect to all of them!”
At nakakatuwa na bukod dito, nadagdag ang "malinis" at "mabango" sa mga katangiang pagkakilanlan sa mga Pinoy.

