PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Two men exchange punches over plane seat while midair

The two men were handed over to the police upon reaching their destination.
by Bernie V. Franco
Published May 13, 2024
Brawl EVA Air
FLIGHT FIGHT. Two passengers get into a physical fight aboard an EVA Air flight on May 7, 2024. Flight attendants and passengers intervene to prevent the two from fighting.
PHOTO/S: X (formerly Twitter)

Dalawang male passengers ang nagpalitan ng mga suntok habang nasa himpapawid ang sinakyan nilang eroplano noong May 7, 2024.

Nagpupumiglas ang dalawang lalaki.

Mabilis namang umawat ang tatlong babaeng flight attendants.

Makikita rin na nataranta at naabala ang iba pang pasahero dahil sa bangayan ng dalawang lalaki.

Ang pinag-ugatan ng kanilang away: isang upuan sa eroplano.

Ang rambulan ng dalawang lalaki ay nakunan ng video at naging viral sa social media.

Kuha ang video sa loob ng flight BR-08 ng EVA Air mula Taipei patungong San Franciso, California, USA, noong Mayo 7.

Read:

how the two men got into a fight

Sa inilabas na statement ng EVA Air, sinabi nitong nagsimula ang gulo nang lumipat ng upuan ang isang pasahero dahil sa tuluy-tuloy na pag-ubo ng katabi nito.

May nakita itong bakanteng upuan at umupo siya roon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ang occupant pala ng seat ay pumunta lamang ng restroom. Nang bumalik ito, nakita niyang may nakaupo na sa kanyang seat.

Dito na nagsimula ang away ng dalawang lalaki.

Nang umabot na sa pisikalan, namagitan ang flight attendants na sinikap na paglayuin ang dalawang lalaki na nagsisigawan, nagduduruan, at umaakma ng mga suntok.

Flight attendants grab hold of one of the passengers

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Namagitan na rin ang ilang pasahero para maawat ang dalawang nag-aaway.

Isang umaawat na flight attendant pa ang nasikuhan ng isa sa mga lalaking nag-away.

Naawat naman ng dalawang lalaki at pinaglayo sila ng upuan.

Tinatayang higit 11 hours ang tagal ng flight mula Taipei papuntang San Francisco.

Pagdating sa San Francisco, inireport ang dalawa sa pulisya.

Nilinaw rin ng airline na nagpapatupad ito ng “zero-tolerance policy towards incidents of passenger nuisance.”

Pinuri naman ng EVA Air ang tatlong flight attendants nito dahil sa mabilis nilang aksiyon para maresolba ang nangyaring gulo.

Makikitang pumagitna pa ang isa habang inaawat ang dalawang nagsusuntukan. Pinipigilan naman ng dalawa pang flight attendants ang isa sa mga nakikipagsuntukan.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
FLIGHT FIGHT. Two passengers get into a physical fight aboard an EVA Air flight on May 7, 2024. Flight attendants and passengers intervene to prevent the two from fighting.
PHOTO/S: X (formerly Twitter)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results