Paano nangyaring Filipino ang salita ng isang batang nasa kontinente ng Europa?
Ang X user na si @fa86983 ay may kakatwang kuwento tungkol sa paggamit ng gadgets at impluwensiya ng social media.
Ayon sa kanyang tweet noong May 12, 2024, published as is: “Please don’t give your children iPads.
“One of my nieces, a 7-year-old who has never been outside of the Caucasus, began speaking Tagalog.
“We couldn’t converse with her.
“I went through her YouTube history and it turned out she’d been watching a 16+ Filipino vampire drama series.”
Read: VIRAL: Post about baked iPad elicits most imaginative reactions

Ang tweet ni @fa86983 ay may kalakip na video mula naman sa isa pang X user na si @ShibesOnTwit.
Sa video ay makikita ang isang batang nanonood sa gadget ng mga horror clips, at ginagaya ang lengguwaheng naririnig.
Nilagyan ito ni @ShibesOnTwit ng caption na, published as is: “This generation is COOKED jesus christ its so over.”
Read: Nanny scammed by couple who left baby under her care
EUROPEAN KID, LA LUNA SANGRE ANG SERYENG PINAPANOOD
Sa isa niyang reply sa mga nagkomento sa kanyang tweet ay nag-post si @fa86983 ng screenshot ng article na lumabas sa technology news website na Gadgetmatch noong May 14, 2024.
Aniya, “My angel niece Eliza will be delighted to know there’s an article written about her.”
Tampok sa article ang tweet ni @fa86983 tungkol sa kanyang pamangkin na natutong mag-Tagalog sa pamamagitan ng panonood ng Filipino vampire drama series La Luna Sangre.

Ang La Luna Sangre ay isang horror-fantasy drama television series na umere sa ABS-CBN, at sinubaybayan ng televiewers mula June 19, 2017 to March 2, 2018.
Sa direksiyon nina Richard Arellano, Rory Quintos, at Mae Cruz-Alviar, tampok dito sina John Lloyd Cruz, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Richard Gutierrez at Angel Locsin.
Ito ang ikatlo at huling yugto sa Lobo trilogy, at sequel ng Imortal.
Ayon sa artikulo, sa panahon ng globalisasyon, ang Filipino language ay naging isa sa pinakamahirap na subject sa Pilipinas.
Bukod kasi sa kakumpitensiya nito ang English language, may iba't ibang dayalekto ang mga probinsiya at rehiyon.
Read: Wife upset to discover engagement ring gifted by husband is bought with joint-account money
EUROPEAN KID HINDI PINAGBABAWALANG MATUTO NG TAGALOG
Gayunpaman, hindi sinabi ni @fa86983 na ayaw niyang matuto ng Filipino o Tagalog ang kanyang pamangkin.
Wala rin siyang binanggit na negatibo tungkol sa ating wika.
Aniya sa isa pa niyang reply sa kanyang post, “Yes! The concern wasn't her speaking Tagalog; it was her tendency to mix several different languages in her speech.
“When she added in Tagalog, she became frustrated when we couldn't grasp her already muddled communication style.”
Ipinaliwanag din niya na walang subtitles ng kanilang lengguwahe na Chechen at Russian ang seryeng pinapanood ng kanyang pamangkin.
Nang may mag-comment sa kanya na baligtad na ang sitwasyon ngayon dahil ang mga batang Pilipino ay mas marunong na ng English at hirap sa Tagalog, biro ni @fa86983, ipapadala niya sa Pilipinas ang kanyang pamangkin para magturo ng ating national language.
ABOUT IPAD AND CAUCASUS
Ang Caucasus na binanggit ni @fa86983 ay isang bulubunduking peninsula na nasa pagitan ng Black Sea at Caspian Sea.
Isa itong rehiyon na kinabibilangan ng anim na bansa, Russia, Georgia, Azerbaijan, Armenia, Turkey at Iran.
Ang iPad ay likha ng tech giant na Apple Inc.
Inilunsad ito noong 2010, at kasalukuyang may apat na product lines: iPad, iPad mini, iPad Air, at iPad Pro.
Popular ang iPad dahil mas portable kumpara sa laptop.
Ang latest models nito ay kayang makipagsabayan sa performance ng MacBook, na produkto rin ng Apple.

Malaki rin ang screen nito kaya kumpara sa smartphone ay mas magandang mag-stream ng video, mag-browse ng website, at magbasa ng e-books.
Read: Family receives wrong body after father dies on vacation
