PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angel Locsin “enjoys” life away from limelight, social media

Ogie Diaz gives update about the whereabouts of Angel Locsin.
by Arniel C. Serato
Published Sep 12, 2023
Angel Locsin continue her social media detox a year after absence in showbiz
Actress-philanthropist Angel Locsin (in photo) still enjoying her absence from the public eye, according to talent manager-vlogger Ogie Diaz (not in photo).
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Lagpas isang taon na ngayong buwan ng Setyembre 2023 mula nang hindi na nagpakita sa publiko ang aktres si Angel Locsin.

Huli siyang nasilayan ng publiko sa Instagram noong August 13, 2022.

Mula noon, hindi na naging aktibo si Angel sa kanyang mga social media account at hindi na rin siya namataan sa kahit na anong showbiz-related events.

Read: Netizens ask: Where is Angel Locsin?

Sa YouTube nitong nakaraang September 9, 2023, ibinahagi ng talent manage/YouTuber na si Ogie Diaz ang kanyang nalalaman tungkol kay Angel, ayon sa impormasyong ibinahagi ng isang source.

Marami ang naghahanap sa actress-philanthropist dahil noon ay napakaaktibo nito sa kanyang social media accounts.

May mga nagtatanong din kung buntis na ba si Angel dahil lagpas isang taon na silang kasal ng asawang si Neil Arce.

May nag-uusisa ring netizens kung hiwalay na ba ang mag-asawa.

Binigyang linaw ito ni Ogie sa kanyang showbiz update vlog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa kanya, “Si Angel Locsin po ay nasa bahay, at ini-enjoy ni Angel Locsin ang kanyang absence sa social media. Ayaw niya muna mag-social media.”

Isa rin daw sa pinagkakaabalahan ngayon ng aktres ay ang paglalaro ng games sa kanyang cellphone.

“Siyempre, gumagalaw pa rin ng cellphone si Angel. Naaaliw siya sa mga games. Yun. Ibigay natin kay Angel Locsin yun,” ani Ogie.

Tungkol naman sa estado ng pagsasama nina Angel at Neil, ayon kay Ogie, “Sila pa rin ni Neil Arce. Ini-enjoy lang niya ang kanyang pagiging maybahay kay Neil Arce.

“Yun ang gusto niya, e. Basta happy si Angel Locsin. Siya ay may bahay o taong bahay.”

Hindi pa rin daw buntis si Angel.

Samantala, marami ang umaasang magpapakita si Angel sa burol ng kanyang dating talent manager na si Ethel Ramos.

Ang kanyang team ay nagpaabot na ng pakikiramay sa mga naiwan ng namayapang si Ramos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakasaad sa post sa verified Facebook account ni Angel, “Rest in Peace, Manay Ethel

"Manay Ethel was the Dean of Entertainment Writers. For a long time, she also served as Angel's manager.

"Maraming Salamat, Manay [Team Angel PH]”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress-philanthropist Angel Locsin (in photo) still enjoying her absence from the public eye, according to talent manager-vlogger Ogie Diaz (not in photo).
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results