PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Woman poisons boyfriend, believing he inherited PHP1.7B

It turns out the victim did not really inherit any money, says police
by Bernie V. Franco
Published May 31, 2024
woman in jail and blurred photo of suspect
The suspect (insert, blurred) poisons her live-in partner for half of the money the partner claimed he inherited. But police investigation could not find any source of inheritance.
PHOTO/S: RDNE on Pexels / Minot Daily Express

May kasabihang money is the root of all evil.

Marahil ay may mga kontra rito, pero sa kaso ng isang babae sa U.S., pera ang naging motibo niya para lasunin ang kasintahang sa pagkakaalam niya ay pamamanahan ng $30 million o PHP1.7 billion.

Yun pala, wala naman talagang mana ang lalaki.

At ang suspek naman, wala na ngang nakuhang pera, sa kulungan pa ang bagsak niya.

Ito ang sinapit ni Ina Thea Kenoyer, 48, na naghain ng guilty plea matapos lasunin ang kasintahang si Steven Riley Jr., 51, noong 2023.

Naghain ng “guilty plea to AA-felony murder” si Ina sa harap ng korte nitong May 29, 2024, sa Minot, North Dakota, sa USA.

suspect blurred face
The suspect during a hearing last May 29, 2024.
Photo/s: KFRYTV
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Valedictorian delivers graduation speech right after dad's funeral

WOMAN POISONS BOYFRIEND WITH ANTIFREEZE

May Facebook post ang Minot Police Department ukol sa kasong ito noong October 31, 2023.

Binanggit dito na inaresto ang suspek noong October 30, 2023 sa kasong pagpatay sa boyfriend matapos lasunin gamit ang antifreeze—na ginagamit sa radiator ng mga kotse para hindi mag-freeze or overheat.

Ayon sa healthline.com, ang kemikal na ito ay posibleng magresulta sa organ damage—kidney, lung, brain, and nervous system function—"24 to 72 hours after ingestion."

Naniniwala ang mga pulis na may financial motive si Ina.

Namatay ang biktimang si Riley noong September 5, 2023, sa Bismarck Hospital.

Lumabas sa autopsy na ang cause of death ay poisoning.

Read: Filipina pleads guilty to poisoning American husband by putting bleach in his coffee for months

BOYFRIEND THOUGHT HE INHERITED $30 MILLION

Ayon sa court documents, inakala ng biktimang si Riley na may mamanahin siyang $30 million o PHP1.7 billion mula sa isang kamag-anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naniwala naman rito ang kinakasamang si Ina, ulat ng KFYR, isang local media outlet.

Akala ni Ina, makukuha niya ang kalahati ng yaman dahil siya ang “common law” wife ng biktima, kahit hindi naman sila kasal.

Nang mamatay ang biktima, nag-imbestiga ang pulisya. Nagsuspetsa kasi ang mga kaibigan ni Riley na may foul play na nangyari.

Nakasaad sa affidavit na noong September 3, nagulat ang mga kaibigan ni Riley sa naging lagay ng kanyang kalusugan.

Hinimok nila itong magpatingin sa doktor, pero sinabi ni Ina na nagka-heat stroke lamang ang biktima.

Sa autopsy, natagpuan sa katawan ni Riley ang mataas na level ng ethylene glycol, isang key antifreeze ingredient.

Inaresto si Ina isang buwan matapos mamatay ni Riley.

Pagdating naman sa manang pera, iginiit ng kapulisan na, “To our knowledge, that $30 million doesn’t exist. We have nothing to indicate that there was a long-lost relative.”

Ibababa ang hatol kay Ina sa darating na August 13, 2024, at kung ma-convict, hahatulan siya ng life imprisonment without parole.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The suspect (insert, blurred) poisons her live-in partner for half of the money the partner claimed he inherited. But police investigation could not find any source of inheritance.
PHOTO/S: RDNE on Pexels / Minot Daily Express
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results