Hiwalay na ba si Paulina Sotto sa asawa niyang si Jed Llanes, pitong taon matapos nilang ikasal?
Ito ang katanungan ng maraming netizens matapos mabasa ang Instagram post ni Paulina kung saan inilarawan niya ang sarili bilang "single mom."
Si Paulina ay anak ng Eat Bulaga! host na si Vic Sotto sa dating aktres na si Angela Luz.
Half-sister siya nina Danica Sotto-Pingris, Oyo Sotto, Mayor Vico Sotto, at Tali Sotto.
Read: Showbiz couples, exes proving there's more than one way to define family
Mismong si Paulina ang nagpahiwatig sa masalimuot na kinahantungan ng relasyon nila ni Jed nang mag-post siya sa kanyang Instagram noong Miyerkules, July 17, 2024.
Read: Family moments captured during Paulina Sotto and Jed Llanes's wedding
Makikita sa kanyang post ang litrato niya kasama ang anak na si Sachi, 3, habang sila ay nasa museum.
Sa caption, sinabi ni Paulina na siya ay "single mom" na.
Read: Paulina Sotto is pregnant; mom Angela Luz excited to meet apo
Ganunpaman, patuloy raw ang buhay ng pagpapakatatag para sa kanyang anak.
Mababasa sa kanyang caption (published as is), "Navigating a new life chapter as a single mom.
"It’s been a crazy last few weeks with lots of ups and downs, but life goes on.
"Thankful for what the past 10 years have given me—my beautiful daughter. Now on to better things."
NETIZENS SHOW SUPPORT TO PAULINA
Sa comments section ng post ni Paulina ay maraming netizens ang nagpaabot ng suporta sa kasalukuyan niyang pinagdaraanan.
Read: Anak ni Vic Sotto na si Paulina, namana ang galing sa pagpipinta sa lolo niyang National Artist
Komento ng isang netizen, "Sending you love and sincere prayers for strength, Paulina. You got this! Sachi is blessed to have you."
Saad pa ng isa (published as is), "so sad..but life has to go on.. embrace your new world as a single, beautiful and loving mom to sachi"
Sabi pa ng isa, "Sad to hear this! Mahigpit na yakap!"
Ikinasal si Paulina kay Jed noong January 2017.

Ginanap ang kanilang pag-iisang dibdib sa Nasugbu, Batangas, na dinaluhan ng kani-kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.
Kabilang sa mga dumalo ang ilang miyembro ng Sotto clan, kabilang na sina Vic at asawa nitong si Pauleen Luna, mag-asawang Danica Sotto at Marc Pingris, Oyo Sotto at Kristine Hermosa, at Pasig Mayor Vico Sotto.
Read: Pauleen Luna becomes stepdaughter Paulina Sotto's hairstylist for a day
