Nagbigay ng paglilinaw ang Italian swimmer na si Thoman Ceccon sa nag-viral dahil niyang larawan kung saan natutulog siya sa park sa loob ng Paris Olympic Village.
Ang 23-year-old Olympian ay nakasungkit ng gold medal sa 100-meter backstroke at bronze medal naman sa freestyle relay sa ongoing na 2024 Paris Olympics.
Read: Gold Medalist spotted napping in Olympic Village grounds
Lumikha rin ng ingay sa social media ang reklamo niya tungkol sa masamang kalagayan ng mga atleta sa Paris Olympic Village.
Nang matapos sa 200-meter backstroke event at hindi nakakuha ng medalya, binanggit niya ang subpar condition ng mainit na kuwarto niya, pati na rin ang pagkaing hindi masarap.
Nakaapekto raw ito sa kanyang performance dahil hindi raw siya nakapagpapahinga nang maayos sa gabi at sa hapon.
Idinugtong ang rebelasyon niyang ito sa nag-viral niyang sleeping photo.
Diumano, sa parke na lang nagpapahinga ang atleta dahil sa sama ng lagay ng kanyang kuwarto.
Pero ipinaliwanag ni Thomas ang taken out of context ang mga lumabas na kuwento about his sleeping photo.
Read: Why do Olympic medalists bite their medals?

Olympic medalist THOMAS CECCON ON VIRAL PHOTO SLEEPING
Mahihinuhang nagulat siya sa lumabas na kuwento about the stolen shot.
Paglilinaw ng atleta, namasyal lamang siya noong araw na iyon at nagpahinga para mag-chill.
“Come on, everybody sent me that photo,” paliwanag niya sa interview ng Access Hollywood na ipinost sa Instagram nitong August 7, 2024.
“I saw it on social media, TikTok, it’s just an app so everybody is crazy for them," paliwanag ni Thomas.
“I just take my bike and then drove to a garden or whatever and just chilling.
“And everybody sent me the photo, and say, ‘What?’” natatawang sambit ni Thomas.
“[I] just take a nap for one hour and in social media it explodes so…”
Read: Teacher in Cebu remembers student, Olympic medalist Jake Jarman
THOMAS CAN’T WAIT TO GO HOME
Sabi ni Thomas, excited na raw siyang makauwi sa Italy para makapagpahinga nang maigi dahil sa dami ng aktibidad sa Olympics.
Sabi niya sa recent interview ng isang Italian news program (roughly translated): “I’ve been tossed these days, so I would just like to go home and spend a couple of days in peace and just be calm for a moment."
Sunud-sunod daw kasi ang kumpetisyon, interviews, at awarding na kanyang dinadaluhan.
Sundot niya pa, “[N]ow I’ll calmly start thinking about it.”
Masaya naman si Thomas na nagkaroon siya ng Olympic gold medal na aniya ay “something that goes beyond any other type of world record champion medal. That is, therefore, really something more that will remain forever.”
