Pumanaw na ang Korean producing director (PD) na si Lee Joo Hyung.
Siya ay 35.
Ganoon na lamang ang pakabigla ng kanyang mga nakatrabaho nang mabalitaang sumakabilang buhay na ang young producer.
Si Lee Joo Hyung ang producer sa likod ng mga kilalang variety show sa South Korea gaya ng Three Meals a Day in Gochang (2016), New Journey to the West seasons two and three (2016-2017), The Great Escape 4 (2018), at Comedy Big League (2011-2023).

Taong 2016 nang magsimula ang kanyang karera bilang producer sa South Korean television network na tvN.
LEE JOO HYUNG's TRAGIC DEATH
Ang biglaang pagkamatay ni Lee Joo Hyung ay kinumpirma mismo ng kanyang employer na Coupang Play nitong Sabado, August 24, 2024.
Ayon sa kanila, madaling araw ng August 22, habang pauwi si Lee Joo Hyung sa kanyang bahay ay aksidenteng nasangkot sa banggaan ang sinasakyan niyang taxi.
Read: GONE TOO SOON: Moonbin, Sulli, Jonghyun, other Korean stars who died before their 30s
Dahil sa impact dala ng matinding bangaan, hindi na naidala sa ospital si Lee Joo Hyung dahil agad na rin siyang binawian ng buhay sa loob ng sasakyan.
Pahayag ng Coupang Play (ayon sa Englis translation ng Soompi.com), "It’s true that PD Lee Joo Hyung unfortunately passed away in a car accident on his way home from work on August 22.
"The funeral procession will be held today, and right now, everyone is overwhelmed because of this sudden news."
Naulila ni Lee Joo Hyung ang kanyang asawa na ngayon ay nagdadalang tao sa kanila sanang unang anak.
Read: In Korean Celebrity Suicides, the Spotlight Shines on the Country's Institutionalized Tragedy
