Trigger warning: This article contains disturbing details of cannibalism and sexual assault
Balik-Los Angeles ang Hollywood actor na si Armie Hammer matapos ang ilang taong pananatili sa Cayman Islands para pahupain ang kontrobersiyang kinasangkutan.
Si Armie ay kilalang leading man ng Hollywood films na gaya ng The Lone Ranger (2013), The Man from U.N.C.L.E. at Mirror Mirror (2015), Mine (2016), Call Me By Your Name (2017); Wounds at Hotel Mumbai (2019).
Read: John Lloyd Cruz competing against Hollywood actors Willem Dafoe, Armie Hammer in 15th ICS
Taong 2021 nang maglaho na parang bula ang tagumpay at kasikatan ni Armie matapos masangkot sa kontrobersiya dahil sa umano'y pananakit at seksuwal na pang-aabuso sa kanyang mga naging kasintahan, kabilang na rito ang ex-girlfriend na si Effie Angelova.
Isa si Effie sa lumantad para isiwalat ang karuma-dumal na pinagdaanan niya umano sa kamay ni Armie nang maging kasintahan niya ito taong 2017.
Ayon kay Effie, nakaranas siya kay Armie ng pananakit, panggagahasa, at pang-aabuso, mentally at emotionally, sa loob ng halos apat na taon nilang relasyon.
Bagamat kinasuhan ng sexual assault ni Effie si Armie, nabasura ito noong 2023 dahil sa kakulangan ng ebidensiya.
"Due to the complexity of the relationship and inability to prove a non-consensual, forcible sexual encounter we are unable to prove the case beyond a reasonable doubt,” saad noon ni Los Angeles County District Attorney's Office spokesperson Tiffiny Blacknell.
ARMIE DENIES ALLEGATION THAT HE'S A CANNIBAL
Bukod pa rito, inakusahan din ang Hollywood actor ng cannibalism o pagkain ng laman ng tao.
Ilang babaeng nakarelasyon ni Armie ang noo'y lumutang para isapubliko ang pag-amin daw mismo ng Hollywood actor sa mga ito na siya ay "100 percent a cannibal" at nais niyang kainin ang laman at inumin ang dugo ng mga ito.
Read: Japanese cannibal na pumatay at kumain ng isang Dutch student, pumanaw na
Dahil dito, katakut-takot na batikos ang ipinukol ng publiko kay Armie.
Dito rin nagsimulang malugmok ang aktor nang makansela ang ilan niyang proyekto at endorsements.
Sa panayam ni Armie sa Piers Morgan Uncensored na inilabas sa YouTube noong July 20, 2024, pinabulaanan niya ang paratang na siya ay isang cannibal.
"Are you a cannibal?" diretsahang tanong ng batikang broadcaster na si Piers Morgan.
Mabilis na sagot ni Armie, "No! You know what you have to do to be a cannibal? You have to have actually eaten someone."
Sundot na tanong ni Piers, "Have you ever eaten any human flesh?"
Pagtanggi ni Armie, "No. Never."
ARMIE IS BACK IN L.A.
Nitong Martes, August 27, sa pamamagitan ng video na in-upload niya sa Instagram, ipinarating ni Armie sa kanyang mga tagahanga na siya ay nagbabalik na sa Los Angeles, California, para sa aniya'y "new beginnings" at "new life."
Kasabay nito ang pag-anunsiyong ibebenta niya ang kanyang pickup truck dahil hindi na niya kayang magpa-gas.
Saad niya sa video habang nasa gilid niya ang nakaparadang sasakyan: "I've been back in L.A. for a couple of weeks now. This is my car.
"I bought this for myself in 2017 as a Christmas gift for myself.
"I have loved this truck intensely and taken it camping and across the country multiple times and on long road trips, and I took it for one last road trip to CarMax. This is not an ad for CarMax, this is because I’m selling my truck.
"Since being back in L.A., I have put about four or five hundred dollars worth of gas in it, and I can’t afford it. I can’t afford the gas anymore."

Masakit man daw sa kanyang kalooban ang desisyon, kailangan niya itong gawin para makatipid lalo pa't siya ngayon ay tila nag-uumpisa ulit.
Aniya: "This truck took the kids home from the hospital and all that stuff. Amazing trips, but you know what that’s okay.
"I got a new car. It’s tiny. It’s a hybrid. I’m probably gonna put about ten bucks of gas in it a month, and this is it.
"Here’s to new beginnings. It’s my birthday tomorrow. So August 28, I will be starting my birthday in a new car, in a new apartment, in a new life in Los Angeles."
Sa huli, pinasalamatan ni Armie ang kanyang sasakyan sa ilang taong pagsama nito sa kanya.
Sabi niya, "Thank you very much. You have gotten me a long way and I appreciate it all. I hope you take as good of care of the next person."
