Isang taong pagkakakulong ang naging sentensiya ng Seoul Central District Court sa South Korean actor na si Yoo Ah In.
Ito'y matapos siyang mahatulang guilty sa paggamit ng ilegal na droga.
Si Yoo Ah In ay kilala at premyadong aktor sa South Korea.
Kabilang sa mga naging proyekto niya ay ang K-dramas na Secret Affair (2014), Six Flying Dragons (2015), Chicago Typewriter (2017), Hellbound (2021); at mga pelikulang Punch (2011), Veteran (2015), Burning (2018), at Alive (2020).
Read: Baeksang Arts Awards 2021: Shin Ha Kyun beats Song Joong Ki, Kim Soo Hyun for Best Actor

Ayon sa awtoridad, mula taong 2020 hanggang 2022 gumamit si Yoo Ah In ng propofol, isang medical anaesthetic na kalimitang ginagamit sa cosmetic procedures.
Ang propofol ay isang klase ng droga na kapag nasobrahan sa gamit ay maaaring makamatay, gaya ng nangyari sa American pop star na si Michael Jackson noong 2009.
YOO AH IN'S OTHER Charges
Bukod sa paggamit ng propofol, nahuli rin si Yoo Ah In na bumibili ng 1,100 tablets ng sleeping pills gamit ang pangalan at pagkakakilanlan ng iba, noong May 2021 at August 2022.
Nahuli rin siyang gumagamit ng marijuana nang magtungo siya sa United States noong January 2024.
Inilabas ng 25th Criminal Division ng Seoul Central District Court ang pinal nilang hatol sa aktor nitong Martes, September 3, 2024.
"Considering the period, number of times, method, and amount of the crime, severe punishment is inevitable.
"In addition to relying on sleeping pills, he also smoked marijuana, showing a lack of awareness of drugs and showing disregard for related regulations," saad ng South Central District court (ayon sa English translation ng Allkpop).
Bukod sa pagkakakulong, pagbabayarin din si Yoo Ah In ng kabuuang danyos na two million won ($1,490).
Ang pagdakip kay Yoo Ah In ay bahagi sa patuloy na kampanya ng gobyerno ng South Korea laban sa ilegal na droga, kunsaan ilang Korean celebrities na ang nasangkot kabilang na ang namayapang Korean award-winning actor na si Lee Sun Gyun.
Read: ‘Parasite’ actor Lee Sun Gyun under investigation for suspected drug use; agency reacts
