Pinatunayan ng Australian actress na si Rebel Wilson, 44, na love always wins, nang pakasalan niya ang kanyang girlfriend, ang fashion and jewelry designer na si Ramona Arguma, 40.
Nangyari ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa Sardinia, Italy, noong September 28, 2024, base sa joint Instagram post nina Rebel at Ramona nitong Lunes, September 30.
Makikita sa kanilang post ang litrato nilang dalawa na nakasuot ng puting wedding gowns habang magkahawak-kamay.
Maikling caption nila, "Married [ring emoji] Sardinia 28.9.24."
REBEL-RAMONA RELATIONSHIP
June 9, 2022 nang isapubliko ni Rebel ang pagkakakilanlan ni Ramona bilang kanyang nobya.
Kasabay ito ng pagka-come out niya bilang miyembro ng LGBTQ+ community.
Read: 17 coming-out stories of Filipino celebrities
Nangyari ito nang mag-post si Rebel ng litrato nila ni Ramona kalakip ang caption na (published as is), "I thought I was searching for a Disney Prince… but maybe what I really needed all this time was a Disney Princess."
May hashtag din itong #loveislove"

February 19, 2023, nang ianunsiyo naman nila ang kanilang engagement na nangyari sa Hong Kong, Disneyland.
Si Rebel ang lumuhod sa harap ni Ramona para yayain itong magpakasal.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang isang anak sina Rebel at Ramona.
Noong November 2022, ipinakilala nila sa publiko ang una nilang anak via surrogate, si Royce Lilian, 1.

REBEL'S PAST RELATIONSHIP
Bago ang pakikipagrelasyon ni Rebel kay Ramona, naging boyfriend muna niya ang businessman na si Jacob Busch. Naghiwalay sila noong February 2021.

Pagkatapos nilang maghiwalay, sumabak si Rebel sa "Year of Love" experiment kung saan nakipag-date siya sa "about 50 people in that one year."
Si Rebel ay unang tumatak sa mga manonood sa pamamagitan ng kanyang role bilang Fat Amy sa comedy movie na Pitch Perfect noong 2012.
Ilan pa sa mga pelikula niya ang A Few Best Men at Bridesmaids (2011), Bachelorette (2012), How To Be Single (2016), Isn't It Romantic (2017), The Hustle (2019), Cats (2019), at Senior Year (2022).
