PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jackie Chan faints on set while filming fight scene for new movie

Jackie Chan seen getting head locked by a man before he loses consciousness.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Oct 3, 2024
Jackie Chan faints on set while filming fight scene for new film
In a recent behind-the-scenes video from his upcoming film Panda Plan, Jackie Chan is getting headlocked by a co-star before suddenly losing consciousness and falling to the ground.
PHOTO/S: Screengrab @TikTok

Labis na ikinabahala ng mga tagahanga ng Chinese action star na si Jackie Chan, 70, ang nag-viral niyang video kunsaan makikita siyang nawalan ng malay.

Nangyari ito habang kinukunan ang fight scene ni Jackie sa shooting ng kanyang upcoming film na Panda Plan.

Nitong Martes, October 1, 2024, pinag-usapan online ang behind-the-scenes video ng shooting ng Panda Plan.

Read: Jose Mari Chan replies to question: Is he related to Jackie Chan?

Kinukunan ang fight scene ni Jackie habang sinasakal siya ng isa sa kanyang co-star na lalaki.

Ngunit sa kalagitnaan ng stunt ay bigla-bigla na lang nanlambot at napaupo si Jackie na indikasyong siya ay panandaliang nawalan ng malay.

Jackie Chan faints on set while filming fight scene for new film
Photo/s: Screengrab @TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makikita rin sa video ang agarang pagbitaw sa kanya ng co-star mula sa pagkakasakal at paglapit pa ng iba pa niyang kasamahan para siya ay alalayan.

Mahihinuhang maging si Jackie ay nabigla rin sa nangyari kaya nang mahimasmasan ay agad siyang nagtanong sa kanyang mga kasamahan.

Maririnig na sabi niya sa video (ayon sa English translation ng Channel News Asia), "What are we doing?"

Read: Jackie Chan, malakas pa rin ang hatak sa Pinoy moviegoers

@starettoday #?? ? ?? - ETtoday???

JACKIE CHAN ASSURES FANS THAT HE'S OKAY

Ayon sa ulat ng ilang Chinese news sites, matapos ang ilang minutong pamamahinga ay nagdesisyon daw si Jackie na bumalik sa shooting para ipagpatuloy ang naudlot nilang stunt.

Bagamat nagdesisyon ang kanyang mga kasamahan na gumamit na ng stunt double, hindi ito pinahintulutan ng awad-winning actor dahil iginiit nitong kaya pa naman niya ang mga kinukunan nilang eksena.

Jackie Chan faints on set while filming fight scene for new film
Photo/s: Jackie Chan on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paniniguro pa ni Jackie, walang kailangang ipag-alala sa kanya dahil maayos siya at kayang-kaya pa niyang gawin ang mga nakabinbing eksena.

Saad niya, "It’s not a big deal. I need to assure everyone else [that I’m fine]; otherwise, they would want me to use a stunt double.

"If I just sit there while they use a stunt double and they just film my close-ups after he’s done, I would feel very guilty!"

FANS OF JACKIE CHAN REACTS

Bagamat tiniyak ni Jackie na maayos ang kanyang kalagayan, hindi pa rin maiwasang mag-alala ang ilan sa kanyang mga tagahanga.

Komento ng isang netizen sa viral video (published as is), "Please [praying sign emoji] Takecare of yourself My favourite Superstar of all Time."

Sabi pa ng isa, "At 70 years old already, he should not do any more dangerous stunts and let those younger stuntmen do the job. We know he wanted to do his best to produce a good movie by doing the stunt by himself as what he had done during his younger days but when age catch up with him, he must learn to let go and let others do it."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Saad pa ng isa, "Old already, time to retire and enjoy life."

Mahigit anim na dekada na sa entertainment industry si Jackie na kilala sa paggawa ng mga hindi malilimutang action films.

Kabilang dito ang The Accidental Spy at Shaolin Soccer (2001); New Police Story (2004); Rob-B-Hood (2006); The Forbidden Kingdom (2008); Shinjuku Incident (2009); The Karate Kid (2010); at The Foreigner (2017).

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In a recent behind-the-scenes video from his upcoming film Panda Plan, Jackie Chan is getting headlocked by a co-star before suddenly losing consciousness and falling to the ground.
PHOTO/S: Screengrab @TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results