PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

The life of John Wayne Bobbitt, whose manhood was cut off by wife

From scandal to survival.
by Mark Angelo Ching
Published Nov 5, 2024
john wayne bobbit in 2020 then 1993 (inset)
John Wayne Bobbitt, who became infamous in 1993 after his ex-wife sliced his manhood, has recently resurfaced following the amputation of all his toes due to a medical condition called toxic peripheral polyneuropathy.
PHOTO/S: Screen Grab from ABC News

Kilala mo ba si John Wayne Bobbitt?

Sa U.S., kilala siya bilang isang ex-marine na pinutulan ng ari ng kanyang asawa noong June 23, 1993.

Sa Pilipinas, posibleng pamilyar sa kuwento niya ang mga taga-showbiz dahil ang 1994 film na Loretta ay sinasabing hango sa nangyari sa kanya.

Read: Lady discovers "rich" BF is a scammer 2 months before wedding

Loretta
Photo/s: Loretta movie poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kontrobersiyal ang Loretta dahil nasangkot ito sa Manila Film Festival scandal, kung saan nabigyan ng acting trophies ang lead stars na sina Gabby Concepcion at Ruffa Gutierrez pero agad ding binawi.

Mas lalong kontrobersiyal ang kuwento ni John Wayne dahil inabot ng six months ang publicized trial.

Kumusta na kaya si John?

Photo of John Wayne Bobbit during 1993 trial
Photo/s: Screen Grab from ABC on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

John Wayne AND LORENA Bobbitt Scandal: A BACKTRACK

Sa mga hindi nakakaalam o nakakaalala ng kuwento, pinutulan si John, 26, ng ari gamit ang isang eight-inch Ginsu carving knife.

Ang salarin ay ang asawa niyang si Lorena, 24, na ginawa raw ang krimen bilang ganti sa ilang taong pang-aabuso sa kanya ni John.

Pagkatapos ng pangyayari ay agad-agad na nagmaneho si Lorena para tumakas.

Dala-dala niya ang naputol na ari ng asawa, at itinapon ito sa isang damuhan.

Si Lorena rin ang tumawag sa 911 para i-report ang kanyang ginawa, pati na rin ang lugar kung saan itinapon ang kaputol ng organ ni John Wayne.

Si John ay dinala ng isang kaibigan sa Prince William Hospital sa Manassas, Virginia.

Agad namang hinanap ng police officers ang organ na natagpuan malapit sa isang 7-Eleven convenience store.

Sa kabutihang-palad, naikabit pa rin ng mga magagaling na doktor ang ari ni John.

THE SURGERY

Pero alam mo ba na muntik nang hindi maibalik ang organ ni John?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Buti na lang, nung natagpuaan ito ng mga police officers ay tumawag muna sila ng ambulansiya.

Pagdating ng ambulansiya, wala itong dalang gamit para i-preserve ang naputol na organ kaya’t kinailangan pa nilang kumuha ng yelo sa malapit na convenience store.

Nang makarating na ang ari sa ospital ay pinayagan ng mga doktor na idikit muli ito kay John.

Inabot ng lagpas siyam na oras ang surgery.

Pero walang natanggap na bayad ang mga magagaling na doktor dahil nag-file agad ito ng bankruptcy matapos ang insidente.

Si Lorena ay sinampahan ng "malicious wounding," pero na-acquit siya noong January 1994.

Si John, na inakusahang ni-rape si Loreta noong gabing yun, ay na-acquit din noong October 1993.

JOHN WAYNE BOBBIT'S SHIFT TO PORN

Nag-attempt si John bumangon matapos ang scandal.

Bumuo siya ng banda, ang The Severed Parts, para pagkakitaan ang kasikatan. Ngunit hindi ito sumikat kaya agad niyang itinigil.

Noong 1994, nakilala ni John ang porn director na si Ron Jeremy sa isang party. Inaya siya nitong mag-cameo sa isang pelikulang ginagawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nag-propose si John na gawin siyang bida sa sarili nitong pelikula.

Pumayag naman si Ron.

Noong September 1994, nagkaroon ng premiere night ang pelikulang John Wayne Bobbitt Uncut sa Academy of Motion Picture Arts and Sciences sa Beverly Hills, California.

Bahagyang ikinuwento ng X-rated movie ang nangyaring pamumutol sa ari ni John. Marami rin itong X-rated scenes kung saan nakaniig ni John ang iba’t ibang porn actresses.

Matapos ang premiere night ay nagtuluy-tuloy ang success ng porn movie.

Sa katunayan, nanalo pa nga ito ng Top Selling Release of the Year at Top Renting Release of the Year awards sa 1995 Adult Video News Awards, na tinatawag ding the Oscars of Porn.

Noong 1996, ini-release ang second porn movie ni John na pinagatang Frankenpenis.

Sa isang panayam noong 2018 sa Vanity Fair, inamin ni John na bukod sa pera ay ninais niyang gumawa ng porn para ipakita sa madla na gumagana pa rin ang kanyang organ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JOHN WAYNE BOBBIT'S LIFE AFTER PORN

Pagkatapos ng short-lived fame ni John, naging mailap ang suwerte sa kanya.

Lumipat siya sa Las Vegas, at pumasok sa samu’t saring trabaho, tulad ng door greeter, limo driver, mover, pizza delivery driver, at tow-truck operator.

Naging ministro pa nga siya sa isang wedding chapel.

Noong 1999, nahuli siyang nagnakaw sa isang tindahan sa Nevada. Dahil dito ay hinatulan siya ng probation.

Noong 2003, naaresto siya matapos umanong pagbuhatan ng kamay ang bago niyang asawa na si Joanna Ferrell.

Ang latest update about him ngayong taon, kinailangan siyang operahang muli dahil sa sakit na toxic peripheral polyneuropathy, na resulta ng "damage or dysfunction to peripheral nerves" sanhi ng chemicals, pharmaceuticals, at dietary substances.

Nakuha niya ito dahil sa exposure sa maduming tubig noong 1980s noong siya ay miyembro pa ng U.S. marines.

Ayon sa balita, dahil sa sakit na ito ni John ay kinailangang putulin ang lahat ng kanyang daliri sa mga paa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siya ay 57 years old na ngayon.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Wayne Bobbitt, who became infamous in 1993 after his ex-wife sliced his manhood, has recently resurfaced following the amputation of all his toes due to a medical condition called toxic peripheral polyneuropathy.
PHOTO/S: Screen Grab from ABC News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results