PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miss Panama alleges "rights were violated" in Miss Universe 2024

Miss Panama's recent Instagram Story hint that rights have been violated.
by Bernie V. Franco
Published Nov 7, 2024
Miss Panama Italy Mora
Miss Panama Italy Mora claps back Miss Universe Organization after her recent dismissal from the Miss Universe 2024 pageant.
PHOTO/S: @italy.mora on Instagram

Malaman ang naging pahayag ni Miss Universe Panama Italy Mora sa kanyang Instagram Story kasunod ng kanyang dismissal sa Miss Universe 2024 pageant.

Hinihingi niya ngayon sa Miss Universe Organization (MUO) na bigyan siya ng formal copy ng pagkaka-dismiss niya at ang ipinataw na parusa sa kanya.

May binanggit din siya ukol sa pagsisiwalat niya sa diumano’y violation ng mga karapatan at ginawang extortion sa international beauty pageant.

November 1, 2024 nang mapaulat ang pag-dismiss ng MUO kay Miss Panama.

Bago siya tanggalin, si Miss Panama ay nasa Mexico na, kasama ang iba pang mga kandidata at nagpa-participate sa activities kaugnay ng Miss Universe 2024.

Hanggang sa pumutok ang balitang nag-withdraw na sa pageant si Miss Panama.

Sa inilabas na official statement ng MUO ukol sa dismissal ni Miss Panama, ipinunto nilang may sinuway ang Latina beauty queen sa “strong ethical principles” ng organization.

Matutukoy na ang naging basehan ng pag-dismiss ng MUO kay Miss Panama ay dahil sa pagbubunyag nito ng “personal and sensitive information.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi ng official statement ng MUO: "The Miss Universe organization wishes to stress the importance of maintaining confidentiality and respect during this process. Over the years, our pageant has been a beacon of diversity, inclusion and empowerment for women around the world.

"In this regard, adhering to strong ethical principles, such as confidentiality and respect, is essential to maintaining the integrity of our organization and the well-being of our participants.

"Confidentiality is a fundamental pillar of any disciplinary process. By protecting sensitive and personal information, we not only ensure fairness and equity in our decisions, but also the dignity of all involved.”

Nauna na ring naglabas ng official statement ang panig ni Miss Panama.

Aniya, habang naghahanda siya sa isang gala event ay nilapitan siya ng mga tauhan ng organization at sinabing mag-withdraw na siya.

Parte ng pahayag ni Miss Panama: "I was told that this measure was taken due to non-compliance with leaving the room, which I admit occurred to put on makeup and collect personal items.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Unfortunately, I trusted and followed instructions, without considering the consequences."

Aniya, "severe" ang punishment na ibinigay sa kanya na maaari pa sanang maayos kung nagkaroon ng pag-uusap.

Read: Panama’s Italy Mora breaks silence on Miss Universe 2024 exit

Pero ngayong Miyerkules, November 6, 2024, may bagong post si Miss Panama na pasaring ukol sa isyu ng kanyang dismissal.

MISS PANAMA STRIKES BACK

Sa kanyang IG Story, ipinost ng beauty queen ang kanyang larawan nang makoronahang Miss Universe Panama 2024.

Kalakip nito ang caption in Spanish. Sa pamamagitan ng online translation, isinalin sa English ang post ni Miss Panama.

Tugma ito sa pahayag ng MUO na may ginawang pagsisiwalat si Miss Panama na naging mitsa ng kanyang dismissal sa Miss Universe 2024 pageant.

Pero sa salita ni Miss Panama, ang pagbubunyag niya ay patungkol sa “rights that were violated and the extortion we were subjected to by national and international organizations.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mahihinuha na ang isa sa tinutukoy niyang organization dito ay ang MUO. Sa kanyang interviews ay ibinunyag di ni Miss Panama na may hidwaan siya sa kanyang national director na si Cesar Rodriguez.

Buong post ni Miss Panama (translated in English), “I stand by my position to demand from the Miss Universe International organization a copy of my formal dismissal and the sanctions applied.

“I am NOT the first Miss Universe dismissed for exposing the rights that were violated and the extortion that we were subjected to by national and international organizations.”

Wala na siyang iba pang idinagdag na detalye.

Nakauwi na ngayon sa Panama ang beauty queen at kaliwa't kanan ang interviews kaugnay ng kanyang pagkakatanggal sa Miss Universe 2024 pageant.

Miss Panama post
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa pagkaka-dismiss kay Miss Panama, naglabasan din ang ibang haka-haka ukol sa pagkakatanggal niya.

Isa sa diumano'y dahilan ay ang pagkakaroon nila ng away ng kanyang roommate na si Miss Universe Dominican Republic Celinee Santos Frias.

Pero itinanggi ito ng kampo ni Miss Panama.

Gaganapin ang grand coronation ng Miss Universe 2024 sa November 17, 2024.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Panama Italy Mora claps back Miss Universe Organization after her recent dismissal from the Miss Universe 2024 pageant.
PHOTO/S: @italy.mora on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results