Muntikan nang manalo ang kandidata ng Nigeria na si Chidimma Adetshina, 23, sa katatapos lang na Miss Universe 2024 pageant.
Malayo ang narating ni Chidimma, considering na nabalot ng kontrobersiya ang kanyang pagiging Miss Universe Nigeria 2024 titleholder.
Siya ang itinanghal na first runner-up habang si Victoria Theilvig ng Denmark ang Miss Universe 2024 titleholder.
Sa simula pa lamang ng kumpetisyon ay isa sa strong candidates si Chidimma.
Pinalakpakan ang law student sa question-and-answer segment ng Top 5 dahil sa husay sa pagsagot.
By far, ang kanyang pagiging first runner-up ang pinakamataas na placement ng Nigeria sa kasaysayan ng Miss Universe pageant.

Read: Miss Universe 2024 winning answer
MISS NIGERIA INVOLVED IN CONTROVERSY
Bago magtungo sa Mexico para sa prestigious international pageant, sangkot sa isyu si Chidimma dahil sa kanyang nationality.
Una na siyang sumali sa Miss South Africa 2024 pageant, subalit napilitan siyang tumiwalag sa pageant dahil kinuwestiyon ang kanyang nationality.
Bagama’t isinilang sa Cape Town, South Africa, si Chidimma ay anak ng isang Nigerian father at nanay na nagmula sa Mozambique.
Naging target ng xenophobic comments si Chidimma dahil sa kanyang pagiging dual citizen—South African at Mozambican.
Nang madiskubre ng Miss South Africa organizers ang ukol sa kanyang family background, pinaimbestigahan siya para matiyak ang kanyang eligibility sa Miss South Africa pageant.
Sa imbestigasyon, lumabas na sangkot ang kanyang ina sa “identity theft” para maging South African national, ulat ng BBC.
Ayon sa reports, ninakaw umano noon ng kanyang ina ang identity ng isang South African woman para makakuha ng citizenship.
Pero binanggit din sa report na wala namang kinalaman si Chidimma sa akusasyon laban sa ina dahil sanggol pa lamang siya noon.
Dahil sa kontrobersiya, umurong si Chidimma sa national pageant sa South Africa para sa kapakanan niya at ng kanyang pamilya.
Naging headline sa international media ang isyu ni Chidimma.

Read: Miss Denmark wins Miss Universe 2024
INIVITED BY MISS NIGERIA
Kasunod ng balitang ito, inimbitahan ng Miss Universe Nigeria organization si Chidimma na sumali sa kanilang national pageant.
Nanalo si Chidimma noong September 2024 kaya automatic na siya ang naging kinatawan ng Nigeria sa Miss Universe 2024.
Hayag ni Chidimma sa kanyang pagkapanalo: "This crown is not just for beauty; it's a call for unity.”
Pero hindi dito nagtatapos ang kontrobersiya ng African beauty queen dahil may binitawang babala ang South Africa sa kanya at sa kanyang ina.

SOUTH AFRICA WARNS TO TAKE ACTION VS CHIDIMMA
Noong katapusan ng October 2024, nagbabala ang South Africa government na babawiin nila ang identification documents ni Chidimma.
Binigyan noon si Chidimma at ang kanyang ina hanggang November 5, 2024 para dumipensa kung bakit hindi dapat tanggalin ang kanilang national identification documents sa South Africa, ulat ng Deutsche Welle website.
Hindi naman dumulog ang mag-ina sa hinihinging paliwanag sa kanila at pumunta si Chidimma sa Mexico para sa Miss Universe 2024 pageant.
"We have not received any response and therefore the department will be proceeding with the withdrawal of those documents in line with the Identification Act," ani Home Affairs Director General Tommy Makhode ng South Africa..
Coincidentally, bago mangyari ang preliminary competition ng Miss Universe 2024 ay nag-back out si Miss Universe South Africa Mia Le Roux, at ang ibinigay na dahilan ay “due to health concerns.”
Inaabangan pa kung ano ang update ukol sa isyu ni Chidimma matapos siyang itanghal na first runner-up sa Miss Universe 2024 pageant.
