Kanselado ang broadcast ng maraming TV show at live entertainment events sa South Korea bilang pakikisimpatiya sa nangyaring pagsabog ng isang eroplano sa Muan county ngayong araw, December 29, 2024.
Sa report ng The Guardian, 179 na ang bilang ng mga pasahero at flight crew na nasawi sa nasabing trahedya, na itinuturing na pinakamalubhang air disaster sa bansa sa loob ng ilang dekada.
Dahil sa insidente, maraming Korean TV networks ang nag-announce ng kanselasyon ng kanilang mga palabas ngayong linggo.
Sa halip, magpapalabas ang SBS, MBC, JTBC, KBS at iba pang TV networks ng special coverage para maghatid ng balita tungkol sa insidente.
Ilan sa mga programang hindi muna ieere ang Running Man sa SBS, King of Mask Singer sa MBC, Newsroom sa JTBC, at 2 Days & 1 Night sa KBS.

Bukod sa mga TV show broadcasts ay marami ring nakanselang showbiz events. Kasama rito ang 2024 MBC Entertainment Awards, na dadaluhan sana ng ilan sa mga nagniningning na Korean stars mamayang gabi.

Maaari ring makansela ang Drama Awards ng MBC bukas, December 30, at ang Entertainment Awards ng SBS sa December 31.
Pinag-uusapan na rin kung makakansela ang MBC Gayo Daejejeon, and year-end KPop concert ng MBC network na gaganapin sana sa December 31.
Gaganapin dapat ito sa MBC Dream Center sa Ilsan, at dadaluhan ng ilan sa mga sikat na KPop performers tulad ng Enhypen, Ateez, TxT, Stray Kids, fromis_9, IVE, ITZY at aespa.
Read: Running Man PH unveils official trailer showing exciting challenges

KOREAN PLANE CRASH DETAILS
Bandang 9:00a.m. kaninang umaga napabalitang naaksidente ang Jeju Air flight 7C 2216 sa Muan International Airport. Nanggaling ito sa Bangkok, Thailand, at may sakay na 175 na pasahero at anim na flight crew.
Ayon sa huling balita, patay na umano ang lahat ng pasahero at apat na flight crew. Samantala, may dalawang flight crew na nakaligtas at ginagamot na sa ospital.
Ayon pa sa reports, nahirapang mag-landing ang eroplano dahil sa mga ibon sa airport. Sinubukan pa ring mag-land ng piloto ngunit tumama ang eroplano sa isang navigation equipment bago bumangga sa isang pader.
Makikita sa isang video ang pagsabog ng eroplano matapos itong tumama sa pader.
Sa fllight manifest, naka-record na 173 sa pasahero ang South Korean citizens, at dalawa ang Thai nationals.
Dahil sa trahedya, agad na nagpa-press conference ang mga namumuno sa Jeju Air.
Humingi ng pasensiya ang CEO ng kompanya na si Kim E-bae, at nagsabing nakikipag-cooperate na sila sa gobyerno sa pag-iimbestiga para malaman ang dahilan ng trahedya.
Read: Darryl Yap, Ikinuwento Kung Gaano Kamahal Mag-Shoot Sa South Korea