PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Darryl Yap, Ikinuwento Kung Gaano Kamahal Mag-Shoot Sa South Korea

Darryl Yap, ikinuwento kung gaano kahirap maghanap ng location sa South Korea.
Published May 17, 2024
kim jerald darryl yap seoulmate
Director Darryl Yap (center) with Seoulmate lead stars Jerald Napoles and Kim Molina during their shooting in South Korea.
PHOTO/S: Instagram

Kinunan sa Seoul, South Korea, ang mga eksena nina Jerald Napoles at Kim Molina sa Seoulmeyt, ang reunion movie nila at ng direktor na si Darryl Yap.

Ipalalabas ang Seoulmate sa mga sinehan simula sa Mayo 29, 2024.

Read: Kim Molina, inaming nag-break sila noon ni Jerald Napoles

Hindi naging madali para kay Darryl ang mag-shooting sa South Korea dahil mahal ang singil sa mga lokasyon na napili niya. Isa ito sa mga hamon sa kanya sa paggawa ng pelikula sa ibang bansa.

seoulmate

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kim Molina, Ha Ju-young, and Jerald Napoles in Seoulmate

Paliwanag ng direktor: “Sobrang mahal mag-shoot sa Korea. One location is PHP2.5 million.

"We want to shoot sa Dongdaemun, it’s PHP2.5 million for the façade. Wala pang loob, loob is about PHP500,000.

Pagdating namin sa Korea, we don’t have the luxury to do ocular so when we went there, nauna lang kami ng two days sa mga artista.

“Pagdating namin, naghanap kami ng location."

Ayon kay Darryl, hindi maaaring gamitin ang isang location hangga't hindi pa naipalalabas ang pelikula o serye na unang gumamit nito.

"Kapag nagsu-shoot sila sa Korea, halimbawa sa Dongdaemun, sa kanilang malaking museum, yung series na magsu-shoot doon, babayaran nila yung location habang umaandar yung serye.

“Meaning, tapos na kayong mag-shoot, five days lang kayo nag-shoot, pero hangga’t hindi pa siya lumalabas sa Netflix, hindi nila ibibigay yung location na yon sa ibang production.

“Babayaran nila yung takbo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, kami, yung na-shoot namin na isang bahay sa Korea, sa Hanok Village, not until maipalabas [ang Seoulmeyt], bayad yon kaya mahal."

Read: Pinoy casting coordinator, may mga kuwento tungkol sa shooting ng A Killer Paradox sa Pilipinas

Patuloy ni Darryl: “Hindi nila sinisira yung imagination ng mga tao. Kumbaga, parang ganito, dito kasi sa atin, kapag sinabing horror movie, may suki [bahay] sa San Juan.

“Sa Korea, bawal. Kapag na-shoot mo ito na bahay ni Jerald, hanggang hindi natatapos ipalabas ang series niya, hindi lalabas [ang bahay] sa ibang series.

“Yung kultura ng paggawa nila ng pelikula, medyo mataas na. May anticipation na. They don’t want to break the imagination of the viewers.”

Read: Direk Darryl Yap inaming nagka-girlfriend bago siya nag-out

seoulmate shooting in south korea

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

SAVING TIPS IN SHOOTING IN SOUTH KOREA

Malaking ginhawa para kay Darryl at sa kanyang production team ang isang Pilipina na naninirahan sa South Korea na tumulong sa kanila para makatipid sila sa paghahanap ng mga gagamiting lugar para sa mga eksena ng Seoulmeyt.

Sabi ni Darryl, “For me to shoot again in Korea, it will require me siguro mga times four of the budget.

"Buti na lang, merong isang Pilipina doon, isa siya sa mga nagbigay ng talents for Queen of Tears.

“Ang ginagawa niya, ibinibigay niya yung mga location na walang bond. Yung tipong hindi naka-reserve.

“Halimbawa sa Goblin, yung tunnel sa Goblin, wala nang nagsu-shoot doon kasi bayad [ng production] nila.

“Hindi puwedeng lumabas sa other movies or other series because they want to preserve the Goblin imagination.

“So, mahihirapan ako sa Korea because I have to shoot tapos babayaran mo pa yung length kung gaano katagal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Just like us, Seoulmeyt, May 29 ang playdate. Ibig sabihin, yung binayaran namin sa location na yon, until mailabas yan, hindi nila ibibigay sa ibang production kasi sasabihin nila, sa Seoulmeyt yon.

“So, ang hirap maghanap ng location. Yung nakita mo sa isang K-drama, imposible na makita mo sa isa pang K-drama. Puwede sa pelikula pero hindi sa mga series.”

Read: Lauren Young, Ejay Falcon fly to South Korea to film episode for K-Drama series

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Darryl Yap (center) with Seoulmate lead stars Jerald Napoles and Kim Molina during their shooting in South Korea.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results