PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Zendaya and Tom Holland are reportedly engaged

Zendaya spotted wearing a diamond ring at the Golden Globe Awards.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jan 7, 2025
Zendaya and Tom Holland are reportedly engaged
Spider-Man: Homecoming stars Zendaya and Tom Holland are reportedly taking their relationship to the next level.
PHOTO/S: Zendaya on Instagram

Engaged na ang Hollywood couple na sina Zendaya, 28, at Tom Holland, 28.

Mismong ang kapamilya ng dalawa ang nagkumpirma nito, ayon sa ulat ng U.S. magazine na People.

Base sa kanilang source, matagal nang plinano ni Tom ang pagpu-propose kay Zendaya.

Read: Liza Soberano Offered Role in Spider-Man?

Alam din daw ito ng malalapit na kaibigan ng Spider-Man actor dahil noon pa man ay bukambibig na nitong si Zendaya ang babaeng gusto niyang makasama habambuhay.

Zendaya and Tom Holland are reportedly engaged
Photo/s: Screengrab @X
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng source ng People, "Everyone close to them knew an engagement was happening.

"He's always been crazy about her. He always knew she was the one. They have something very special."

Bagamat kumpirma na ang kanilang engagement, hindi masabi ng nakausap nilang source kung kailan mismo naganap ang pagluhod ni Tom para hingin ang kamay ni Zendaya.

Ganumpaman, kinumpirma raw ng dalawa na hindi nila minamadali ang pagpapakasal.

Pareho pa raw silang busy sa kani-kanilang showbiz career.

Pahayag ng nasabing source, "They will just enjoy things for now. They are both busy with work projects."

ZENDAYA SPOTTED WEARING A DIAMOND RING

Nitong Lunes, January 6, 2025, ini-report ng U.S. media outlet na TMZ ang naging engagament ni Tom kay Zendaya.

Ayon sa kanilang ulat, sa mismong bahay ni Zendaya lumuhod si Tom para alukin ng kasal ang aktres.

January 5, kapansin-pansin ang suot na diamond ring ni Zendaya nang dumalo siya sa Golden Globe Awards.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pinaghihinalaang ito ang engagement ring na ibinigay ni Tom kay Zendaya.

ZENDAYA-TOM RELATIONSHIP

Taong 2017 nang unang ma-link sa isa't isa sina Zendaya at Tom.

Ito'y matapos nilang bumida at magtambal sa Marvel's 2017 blockbuster na Spider-Man: Homecoming.

Read: Liza Soberano clarifies rumors about her inclusion in next Spider-Man movie

July 2021 nang maispatan naman silang naghahalikan sa loob ng mismong sasakyan ni Tom.

Hanggang noong September 1, 2021, nang tuluyang kumpirmahin ni Tom sa publiko ang espesyal na relasyon nila ni Zendaya nang batiin niya ito sa mismong kaarawan ng aktres.

Sa Instagram in-upload ni Tom ang litrato nila ni Zendaya, habang siya ay nakasuot ng costume ni Spider-Man.

Mababasa sa kanyang caption (published as is), "My MJ, have the happiest of birthdays. Gimme a call when your up xxx."

Ang "MJ" na tinutukoy ni Tom ay ang pangalan ng karakter ni Zendaya sa Spider-Man: Homecoming.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Spider-Man: Homecoming stars Zendaya and Tom Holland are reportedly taking their relationship to the next level.
PHOTO/S: Zendaya on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results