Pumanaw ang beteranang South Korean actress na si Lee Joo Sil matapos nitong makipaglaban sa stomach cancer.
Siya ay 80.
Linggo, February 2, 2025, nang kumpirmahin ng kinabibilangang talent management ni Lee Joo Sil, ang 1230 Culture, ang pagkamatay ng aktres.
Read: Can fried, sugary, and processed foods cause cancer?
Ayon sa ulat ng South Korean website na Soompi.com, November 2024 pa nang ma-diagnose si Lee Joo Sil na may stomach cancer.

Magmula noon, sumailalaim na raw sa gamutan si Lee Joo Sil.
Hanggang noong February 2, isinugod siya sa St. Mary’s Hospital sa Gyeonggi, sa South Korea, dahil sa cardiact arrest.
Read: What to eat, drink, and take to prevent cancer
Sa kasamaang-palad, hindi na nakalabas pa ng ospital si Lee Joo Sil dahil tuluyan na siyang bumigay at malagutan ng hininga.
Pahayag ng 1230 Culture, "Approximately three months ago, actress Lee Joo Shil’s health declined, and she was diagnosed with stomach cancer after an examination from the hospital."
Bago ma-diagnose na may stomach cancer si Lee Joo Sil ay nauna na niyang napaglabanan ang stage three breast cancer noong 1993.
Makaraan ang halos sampung taon, napagtagumpayan ni Lee Joo Sil ang kanyang sakit at maideklara siyang cancer-free.
LEE JOO SIL'S ACTING CAREER
Taong 1965 nang pasukin ni Lee Joo Sil ang mundo ng showbiz nang siya ay maging stage actress.
Noong mga panahong iyon ay 21 taong gulang lamang siya.
Ilang taon lamang ang lumipas ay pinasok na rin ni Lee Joo Sil ang mundo ng pag-arte sa mga pelikula at serye.
Bago ang kanyang pagpanaw, napanood pa si Lee Joo Sil sa hit Korean series na Squid Game Season 2, kunsaan gumanap siya bilang si Jang Chun Ok, ang ina nina Lee Byung Hun (frontman) at Wi Ha Jun (Hwang Jun Ho).

Read: Squid Game 2 actor Park Sung Hoon apologizes for explicit upload
Bukod sa Squid Game Season 2 (2024), napanood ang beteranang aktres sa mga Koreanovela na Uncanny Counter 2 (2023); Juvenile Justice (2022); The Witch’s Diner (2021); Uncanny Counter (2020); at The Poseidon (2011).
Ang iba pa niyang acting projects ay ang mga pelikulang Train To Busan (2016) at The Sword With No Name (2009).
