Trigger Warning: Mention of suicide
Isinapubliko na ang sanhi ng pagkamatay ng South Korean actress na si Kim Sae Ron.
Ayon sa Seongdeong Police sa Seoul at Yonhap News Agency, suicide ang dahilan ng pagkamatay ng aktres.
Wala raw note o letter na iniwan si Kim Sae Ron.
Natagpuan ang walang buhay na katawan ni Kim Sae Ron ng kanyang kaibigan, na tumawag ng police, sa bahay ng aktres sa Seoul noong Linggo, February 16, 2025.
Siya ay 24.
Read: South Korean actress Kim Sae-ron passes away at 24
Isa sa itinuturing na pinakasikat at pinakamagaling na aktres sa South Korea, nagsimula ang dagok sa buhay at career ni Kim Sae Ron nang maaresto siya dahil sa driving under the influence (DUI) noong 2022.
Pinagmulta siya ng 20 million won o PHP860,480 dahil sa pinsalang idinulot ng insidente.
Matapos nito ay nagsimula nang madiskaril ang showbiz career ng aktres.
Nag-backout siya sa kanyang role sa SBS drama Trolley.
Hindi na-renew ang kanyang kontrata sa kinabibilangang talent management agency, ang Gold Medalist.
Pinatawan din siya ng ban ng major TV network sa South Korea, ang KBS.
Ayon sa ulat ng Soompi, ang Broadcast Appearance Regulation Review Committee ay nagsasagawa ng "screenings for celebrities who have caused social controversy with illegal or immoral conduct and decides whether to restrict their appearances on KBS."
Higit pa rito, tumanggap ng katakut-takot na pambabatikos si Kim Sae Ron mula sa publiko, partikular na ang South Korean netizens na kilala sa pagiging marahas sa pagkomento tungkol sa mga celebrity na nasasangkot sa kontrobersiya at kaso.
Read: Chef-restaurateur Margarita Fores' cause of death revealed
KIM SAE RON'S FUNERAL
Sa kabila ng mga sigalot, ipinakita ng mga kaibigan at nakasama ni Kim Sae Ron sa industriya ang kanilang pagdadalamhati sa pagpanaw nito.
Dumalo sila sa funeral ng aktres.
Kabilang na rito ang co-star ni Kim Sae Ron sa The Man From Nowhere na si Won Bin, na ilang taon nang hindi aktibo sa pag-arte at hindi nagpapakita sa publiko.
Ngunit muling nasilayan ng publiko ang elusive actor nang magbigay-pugay ito sa dating child actress na nakasama niya sa pelikula.
Read: GONE TOO SOON: Korean stars who died young

Ayon sa ulat ng allkpop.com, nagbigay-pugay rin ang mga kapwa-aktres ni Kim Sae Ron na sina Han So Hee at Kim Bora.
Kabilang naman sa nagpadala ng condolence wreath sina Gong Myung, Ma Dong Seok, ang bandang FT Island, at sina MJ at Jinjin ng Astro.
Read: Meteor Garden star Barbie Hsu dies at 48
KIM SAE RON'S ACTING CAREER
Nagsimula ang career ni Kim Sae Ron bilang child actress sa pamamagitan ng lead role sa pelikulang A Brand New Life (2009).
Nang sumunod na taon, 2010, umani ng papuri ang kanyang pagganap sa pelikulang The Man From Nowhere, kasama ang sikat na aktor na si Won Bin.

Poster of The Man From Nowhere starring Kim Sae Ron as a child actress and Won Bin.
Ang iba pa niyang mga pelikula ay I Am Dad (2011), Barbie (2012), The Neighbor (2012), A Girl At My Door (2014), Manhole (2014), Snowy Road (2017), at The Villagers (2018).
Kabilang naman sa mga K-drama na ginawa niya ay Listen To My Heart (2011), Fashion King (2012), The Queen's Classroom (2013), Hi! School: Love On (2014), Secret Healer (2016), Leverage (2019), at The Great Shaman Ga Doo-Shim (2021).
Huli siyang napanood sa Netflix series na Bloodhounds.

Bago pumanaw si Kim Sae Ron ay may natapos siyang dalawang pelikulang ipalalabas pa lamang, ang Guitar Man at Everyday We Are.
Read: Legendary actress Gloria Romero dies at 91
Para sa mga nangangailangan ng kausap at tulong dahil sa kanilang mental health issues, tumawag lamang sa National Center for Mental Health Crisis Hotline: 1553, Landline (02) 7-989-8727 at cellphone number 0966-351-4518.
