Pumanaw na ang South Korean actress na si Kang Myung Joo noong February 27, 2025, matapos niyang makipaglaban sa sakit na cancer.
Siya ay 54.
Ang malungkot na balita sa pagpanaw ng aktres ay kinumpirma mismo ng kanyang anak, si Park Se Young, na isa ring aktres sa South Korea.
Read: Can fried, sugary, and processed foods cause cancer?
Mababasa sa inilabas na pahayag ni Park Se Young noong February 28 (ayon sa ulat ng Koreaboo): "Mom left on a long journey yesterday afternoon.
"I would be grateful if you could remember the moments on stage that actor Kang Myung Joo loved and shined in."
Naulila rin ni Kang Myung Joo ang kanyang mister na si Park Yun Hee at isa pa nilang anak.
Read: What to eat, drink, and take to prevent cancer
WHO IS KANG MYUNG JOO?
Si Kang Myung Joo ay isang kilalang aktres sa Korea.
Noong 1992 nang magsimula ang acting career ni Kang Myung Joo sa teatro hanggang sa pasukin niya ang larangan ng telebosyon.
Ilan sa theater plays na nilabasan ni Kang Myung Joo ay ang Hamlet, Circle of Life, Humans or Gods, at Coriolanus.
Nang pasukin ni Kang Myung Joo ang mundo ng showbiz ay may dinaramdam na siyang sakit, ang cancer, na siya ring kumitil sa kanyang buhay.
Read: Here are cancer treatment options besides surgery, chemotherapy
Ngunit hindi ito naging hadlang para ipagpatuloy ng aktres ang kanyang nasimulan sa larangan ng pag-arte.

Bago sumakabilang buhay ay ilang Korean telenovela series pa ang kanyang nilabasan.
Kabilang na rito ang Extraordinary Attorney Woo (2022), kunsaan gumanap siyang judge; Dr. Romantic Season 3 at See You in My 19th Life (2023); at Wonderful World (2024).
