Pumanaw na ang American boxing legend na si George Foreman nitong Biyernes, March 21, 2025.
Siya ay 76.
Ang malungkot na balita ay kinumpirma ng kanyang pamilya sa mismong Instagram page ni George.
Read: Who is Eman Bacosa, rising star of Philippine boxing?
Ngayong Sabado, March 22, makikita sa feed ng boxing champion ang picture ng buong pamilya niya kalakip ang caption na naglalarawan kay George bilang bilang mabuting asawa, mapagmahal na ama at lolo, at maka-Diyos.
Ang pahayag sa post (published as is):
"Our hearts are broken. With profound sorrow, we announce the passing of our beloved George Edward Foreman Sr. who peacefully departed on March 21, 2025 surrounded by loved ones.
"A devout preacher, a devoted husband, a loving father, and a proud grand and great grandfather, he lived a life marked by unwavering faith, humility, and purpose.
"A humanitarian, an Olympian, and two time heavyweight champion of the world, He was deeply respected — a force for good, a man of discipline, conviction, and a protector of his legacy, fighting tirelessly to preserve his good name— for his family.
"We are grateful for the outpouring of love and prayers, and kindly ask for privacy as we honor the extraordinary life of a man we were blessed to call our own."
Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang anunsiyo tungkol sa dahilan ng biglaan niyang pagkamatay.
George Foreman: THE Two-time heavyweight champion
Nakilala si George nung nanalo siya ng gold medal sa Summer Olympics na naganap sa Mexico noong 1968.
Siya ay 19 years old at that time.

Kilala rin siya bilang two-time heavyweight champion at Hall of Fame boxer.
Napatumba niya via knockout ang boxing veterans na sina Joe Frazier at Ron Lyle noong 1973.
Isa sa mga hindi makakalimutang laban ni George ay nangyari noong 1974 sa Rumble in the Jungle, kung saan tinalo siya ni Muhammad Ali.
George Foreman's retirement
Pagkatuntong sa edad na 28, ginulat ni George ang kanyang mga tagahanga nang ianunsiyo niya ang kanyang pagreretiro.
Ang dahilan noon ni George, nais niyang mag-focus sa pagiging ministro sa isang siyudad sa Texas, kunsaan siya nakatira.
Sampung taon siyang naging ministro hanggang taong 1987, sa edad na 38, ay muli siyang bumalik sa boxing.
Nagtuluy-tuloy ito until 1997, noong tuluyang nilisan ni George ang mundo ng boxing.
Throughout his boxing career, nakapagtala siya ng record na seventy-six (76) wins at five losses
Read: Body of Work: The Bench Show highlights and sidelights
