Trigger Warning: Violence, death
Isa na namang influencer ang karumal-dumal na pinatay.
Sa tama ng baril natapos ang buhay ng 22-year-old Colombian model-influencer na si Maria Jose Estupiñan.
Ito'y matapos siyang pagbabarilin sa mismong bahay niya sa North-Eastern City of Cúcuta, sa Colombia, noong May 15, 2025.
Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, isang lalaking nagpanggap na delivery man ang kumatok sa bahay ni Maria.
Nang pagbuksan ito ng pinto ng young model-influencer, dito na bumunot ng baril ang lalaki at pinagbabaril sa mukha si Maria.
Nang masigurong wala nang buhay ang dalaga, agad daw tumakas ang lalaki mula sa crime scene.
Dahil sa karumal-dumal na pangyayari, agad nagpatawag ng press conference si Magda Victoria Acosta, president ng National Gender Commission of the Colombian Judiciary, para ikondena ang pagpaslang kay Maria.
Saad ni Acosta, ayon sa ulat ng CNN: "Maria Jose Estupinan was a young, enterprising woman with a whole life ahead of her, but those dreams are cut short like the dreams of many women in this country."
Police reveal that Maria Jose Estupiñan WAS a victim of domestic violence
Sa patuloy na imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman nilang naging biktima ng domestic abuse si Maria Jose.

Inuuugnay rin nila ang kanyang pagkamatay sa posibleng kaso ng femicide — ang pagpatay sa isang babae dahil lamang sa kanyang kasarian.
Karaniwan itong may kaugnayan sa gender-based violence.
Ibig sabihin, ang krimen ay inuugat sa diskriminasyon, galit, o kontrol laban sa kababaihan.
Kadalasan ay isa sa kanilang pamilya o di kaya'y mismong asawa ang gumagawa ng karumal-dumal na krimeng ito.
"It could be a case of femicide, since she filed several complaints for domestic violence in previous years, but that is a matter of investigation," pahayag ni Col. Leonardo Capacho ng Cúcuta police.
Read: Mexican actor Manuel Masalva in medical coma after PH visit
Kung may katotohanan ngang may kaugnayan sa femicide ang pagkamatay ni Maria Jose, siya na ang ikalawang biktima nito sa Latin America ngayong buwan makaraang paslangin din ang Mexican influencer at businesswoman na si Valeria Marquez, 23.
Noong May 13, dalawang araw lamang bago ang pagpatay kay Maria Jose, ay pinagbabaril din si Valeria ng hindi pa nakikilalang gunman sa pagmamay-ari niyang beauty salon sa Jalisco, Mexico.

Naka-live sa TikTok si Valeria nang pasukin siya ng isang armadong lalaki at paputukan ng tatlong beses—isa sa bandang tiyan at dalawa sa ulo hanggang sa siya't malagutan ng hininga.
Read: Mexican beauty influencer shot dead during TikTok livestream
