Marami ang namangha sa kuwento ng Thai singer-actor na si James Ruangsak Loychusak tungkol sa pagkakapareho nila ng kaisa-isang nakaligtas sa Air India plane crash.
Ang British national na si Vishwash Kumar Ramesh ang lone survivor sa napabalitang plane crash noong June 12, 2025.
Kagaya ni Vishwash, isa ring survivor si James ng plane crash noon namang December 11, 1998.
Sakay ng Thai Airways flight TG261 si James nang mag-crash landing ang eroplano, lulan ang halos 146 na pasahero, sa isang swamp sa Southern Thailand.
Read: Police officer na nasawi sa D.C. plane crash, susunduin ng asawa
Lumabas sa imbestigasyon ng awtoridad na dahil sa sama ng panahon noon kaya naapektuhan ang pag-landing ng Thai Airways flight TG261.

Sinubukan ng piloto na mag-landing ng dalawang beses, at sa ikatlo niyang tangka ay tuluyang bumagsak ang eroplano.
Ayon sa mga ulat, may 101 katao ang nasawi sa insidente; habang 45 ang kritikal at sugatan. At kabilang sa mga sugatan noon si James.
Vishwash Kumar Ramesh is the lone survivor in air India plane crash
Ang insidente sa Thailand noong 1998 ay hindi naiiba sa insidente ngayong 2025 na nagpagimbal sa marami.
Noong June 12, 2025, isang commercial plane na Boeing 787-8 Dreamliner ang bumagsak sa Ahmedabad, India.
Sa 242 flight crew at pasaherong lulan ng bumagsak na eroplano, bukod-tanging si Vishwash lang ang nakaligtas.

Wala pang isang minuto nang mag-take off ang London-bound Air India plane nang bumagsak ito sa isang residential area.
Mabilis na naisugod sa ospital ang tanging survivor na si Vishwash; at dito nakumpirma na sakay nga siya ng bumagsak na eroplano.
Mula sa nakuhang boarding pass niya, nalamang nakaupo si Vishmash sa seat 11A na nasa emergency exit row. Malapit ito sa left wing ng eroplano.
Sa iba-ibang online news sites, tinaguriang "Miracle in Seat 11A" ang karanasan ni Vishwash.
Read: Miracle lone survivor in India plane crash recalls ordeal
James Ruangsak Loychusak's CHILLING LINK TO Vishwash Kumar Ramesh
Nitong Biyernes, June 13, ginulat ni James ang publiko nang sabihin nitong nakaligtas din siya sa trahedya noong 1998 dahil sa Seat 11A.
Ibig sabihin, nasa emergency exit row rin si James kagaya ni Vishmash nang bumagsak ang eroplanong sinakyan niya noon.
Post ni James sa Facebook: "Survivor of a plane crash in India. He sat in the same seat as me. 11A."
Dagdag pa niya, "Goosebumps. My condolences to all those who lost."
Ayon pa kay James, sampung taon makalipas ang naranasan niyang trahedya ay hirap pa rin siya kapag sumasakay ng eroplano.
Hanggang ngayon ay tandang-tanda pa rin daw niya ang ingay pati amoy at lasa ng tubig sa swamp kunsaan nag-crash ang eroplano.
Ikinagulat at milargo ito kung ituring ng ilan.
Sa comments section ng Facebook post ni James ay maraming netizens ang hindi makapaniwala.
Komento ng isang netizen, "I got goosebumps. It's really a miracle."
Saad pa ng isa, "The seat 11A is the real miracle."
"Wondering if this is Brother James 2 by accident," dagdag pa ng isa.
