Binalaan ng BTS member na si Jungkook ang mga tagahanga niyang huwag nang magtangkang puntahan siya sa kanyang bahay.
Ito'y matapos ang panibagong insidente ng trespassing sa tinutuluyan niyang bahay sa Seoul, South Korea.
Sa Weverse Live ni Jungkook noong September 1, 2025, ibinahagi niya ang nangyari nang may magtangkang fan na pumasok sa kanyang tahanan kamakailan.
Sa tantiya ng K-pop idol, nasa 40s ang babaeng nagpumilit buksan ang gate ng kanyang parking area.
Hindi raw maaaring magkamali si Jungkook dahil siya mismo ang nakakita kung paano pilit binubuksan ng female fan ang lock ng kanyang pintuan.
Na-monitor daw niya ito sa CCTV (Closed-Circuit Television) na nakapalibot sa kanyang bahay.
Dahil dito, agad daw siyang tumawag ng pulis para rumesponde.
Nang makarating ang awtoridad sa bahay ni Jungkook, agad daw nilang tinanong ang babae kung sino siya at bakit niya pilit binubuksan ang pintuaan ng bahay ng BTS member.
Lahad ni Jungkook sa kanyang live: "That time I was watching CCTV from above.
"I heard the sound so I came downstairs all of a sudden, she's trying to open the door in the underground parking lot.
"When I opened it, there was a police officer in front of me.
"I was watching everything.
"And then she said to the police that we were friends."
Bagamat ang turing ni Jungkook sa kanilang fans o kung tawagin ay ARMY ay kaibigan at pamilya, ibang usapan na raw kung pati ang private space niya ay nai-invade na.
Saad niya, "I mean, ARMYs are like family and friends, of course, but that was just sad.
"I appreciate the support, but come on, don’t do that."
Sa huli, nanawagan ng respeto at privacy si Jungkook sa kanyang mga tagahanga.
Read: Jungkook asks fans to respect privacy
Nagbabala rin siya na sa susunod may magtangkang mag-trespass sa kanyang bahay, hindi na siya magdadalawang-isip ipahuli at ipakulong ito.
Sabi niya: "If you show up, I’ll lock you in. I’ve got the evidence, and you’ll be taken away.
"Everything is recorded. If you step into the parking lot of my home, you won’t be able to leave unless I open the door for you.
"There are cameras everywhere. If you don’t want to be dragged to the police station, do not enter."
BTS fan arrested after attempting to break into Jungkook's home
Hindi ito ang unang pagkakataong may magtangkang fan na pasukin ang bahay ni Jungkook.
Noong June 2025, isang tagahanga rin niya ang inaresto ng Seoul District Police makaraang i-report ni Jungkook ang isang Chinese woman na nasa edad 30s na pilit binubuksan ang lock ng kanyang bahay.
Ayon sa mga naglabasan noong ulat, sinubukan umano ng suspek na hulaan ang passcode ng front door ni Jungkook, ilang oras matapos ma-discharge ang K-pop idol mula sa mandataory military service noong June 11.
Read: BTS RM, V, Jimin, Jungkook discharged from military service
Sa salaysay rin ng babae, sinabi nitong lumipad siya pa-South Korea noong araw na ma-discharge si Jungkook para personal daw itong makita.
Sa ilalim ng anti-stalking law ng South Korea, maaaring makulong ng hanggang tatlong taon o pagmultahin ng hanggang 30 million won o may kabuuang PHP1.2 million ang mga lumalabag dito.
Read: Pinay OFW na humiling ng selfie kay Jungkook, may bonus pang akbay at video
