PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

South Korean author Baek Se Hee dies at 35, donates organs

Baek Se Hee donated her heart, lungs, liver, and kidneys.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Oct 17, 2025
South Korean author Baek Se Hee dies at 35, donates organs
Baek Se Hee’s 2018 memoir, I Want To Die But I Want to Eat Tteokbokki, was lauded for its honest portrayal of mental health struggles.
PHOTO/S: Baek Se Hee on Instagram

Trigger Warning: Mention of depression, suicide

Pumanaw na ang kilalang South Korean author na si Baek Se Hee.

Siya ay 35.

Iniulat ng Korean entertainment outlet na The Korea Herald ngayong Biyernes, October 17, 2025, ang pagpanaw ni Baek Se Hee sa hindi pa tinutukoy na dahilan.

Ayon pa sa ulat, bago malagutan ng hininga ay hiniling ni Baek Se Hee na i-donate ang ilang parte ng kanyang organs—kabilang na ang kanyang puso, baga, liver, at kidney.

Kinumpirma rin ito ng Korea Organ Donation Agency nang sabihin nilang dahil sa pagdu-donate ni Baek Se Hee ay nakapagligtas siya ng limang kataong labis na nangangailangan ng agarang organ transplant.

Patugkol dito, naglabas ng pahayag ang nakababatang kapatid ng manunulat.

Nakasaad dito: "Baek wanted to write, to share her heart with others through her work, and to inspire hope.

"Knowing her gentle nature, incapable of harboring hatred, I hope she can now rest peacefully."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WHO WAS BAEK SE HEE?

Nakilala si Baek Se Hee noong 2018 dahil sa kaniyang bestselling memoir na I Want To Die But I Want To Eat Tteokbokki.

South Korean author Baek Se Hee dies at 35, donates organs
Photo/s: Baek Se Hee on instagram

Laman ng libro ang naging karanasan niya nang magkaroon siya ng depresyon— partikular na ang dysthymia—at ang mga counselling session kasama ang kanyang psychiatrist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa Mayo Clinic, ang dysthymia, na kilala rin bilang persistent depressive disorder (PDD), ay isang uri ng matagalang depresyon na tumatagal ng taon at maaaring makasagabal sa pang-araw-araw na buhay, trabaho, at pakikipagrelasyon.

Ang mga taong dumaranas ng dysthymia ay madalas nakakaramdam ng patuloy na lungkot o kawalang gana sa buhay, hirap mag-concentrate o makagawa ng desisyon, may mababang enerhiya o self-esteem, at bihirang makaranas ng tunay na kasiyahan.

Sa tala, humigit-kumulang 600,000 book copies ang naibenta sa Korea, pruweba na marami ang naka-relate sa pinagdaraanan ni Baek Se Hee.

Dahil dito, noong 2019 ay nagkaroon pa ng sequel ang unang memoir ni Baek Se Hee — ang I Want to Die But I Still Want to Eat Tteokbokki.

Read: GONE TOO SOON: Moonbin, Sulli, Jonghyun, other Korean stars who died before their 30s

KOREA AND MENTAL HEALTH

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na talamak ang kaso ng pagpapatiwakal sa South Korea.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noong 2023, itinuturing na 12th highest in the world ang suicide rate sa South Korea; pinakamataas ito sa mga mauunlad na bansa.

Ayon sa ForeignPolicy.com, tumaas ng 10 percent ang rate ng pagpapatiwakal ng Koreans na under 40 years old noong 2019 kung ikukumpara sa 2018.

Ang dahilan umano nito ay ang pagbagsak ng ekonomiya at pagtaas ng wealth inequality.

Marami rin sa young adults ang nahihirapang maghanap ng maayos na trabaho.

Noong November 2020, halimbawa, 40 percent ng college graduates ay tumigil muna sa paghahanap ng trabaho.

Mayroon na ring housing crisis sa mga siyudad sa South Korea nang tumaas sobra-sobra ang presyo o renta ng mga kabahayan kaya’t nahihirapang maghanap ng matitirhan ang mga young adult.

Read: Suicide rate in South Korea raises mental health concerns

Mataas din ang kultura ng kumpetisyon sa South Korea. Nagsisimula ito sa kindergarten, kung saan may matinding pressure na maging pinakamagaling sa klase.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pina-prioritize ng mga magulang ang pag-aaral; matapos ang eskuwela ay pinapadala pa ang mga mag-aaral sa tutoring schools, o hagwon, ng ilang oras.

Ayon sa National Youth Policy Institute, isa sa bawat tatlong middle at high school student sa South Korea ay nag-iisip magpatiwakal dahil sa academic pressure.

Malala rin ang isyu ng bullying sa mga eskuwelahan sa South Korea, at naging malakas na usapin na ito sa media.

Ang lahat ng ito ay naging dahilan ng pagtaas ng bilang ng mga kabataan at young adults na may depression o iba pang mental health issues.

Gayunpaman, kaunti lamang ang humihingi ng tulong sa pamamagitan ng pagpapatingin sa doktor.

Ayon sa Harvard, 20 percent lamang ng mga South Korean ang nagpapa-treatment dahil tinitingnan ng karamihan na kahinaan ang pag-amin na mayroon kang mental illness, at magdudulot ito ng kahihiyan sa iyong pamilya.

Kaugnay nito, may ginawang hakbang ang gobyerno ng South Korea at ang concerned groups para tuldukan na ang mataas na suicide rate sa Korea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilan sa mga sinubukan nang hakbang ay ang pag-set ng curfew sa mga hagwon, at ang Korean Work-Learning Dual System na nagnanais turuan ang kabataang dagdagan ang skills nila para mas madaling makahanap ng trabaho.

Tinutugunan na rin ang mga malalang kaso ng bullying sa mga paaralan.

Bukod pa rito ay may mga grupo rin sa South Korea na nais tanggalin ang stigma ng karamihan ukol sa pagpapatingin ng mga taong may mental health issues.

Ang depresyon ay seryosong usapin. May mga organisasyong handang tumulong sa mga taong dumaraan sa ganitong kondisyon. Katulad na lamang ng National Center for Mental Health na inilunsad ng Department of Health.

Para sa nangangailangan ng tulong, maaring tumawag sa National Center for Mental Health Crisis Hotline: 1553, Landline (02) 7-989-8727 at mobile number 0966-351-4518.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Baek Se Hee’s 2018 memoir, I Want To Die But I Want to Eat Tteokbokki, was lauded for its honest portrayal of mental health struggles.
PHOTO/S: Baek Se Hee on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results