Ginulat ng South Korean comedian na si Yang Se Chan ang kanyang mga tagahanga nang isapubliko nito kamakailan ang sakit na matagal na niyang nilalabanan.
Na-diagnose siyang mayroong thyroid cancer labindalawang taon na ang nakakaraan.
Ito ang naging rebelasyon ni Yang Se Chan sa KBS 2TV variety show na Problem Child in House noong October 16, 2025, nang ibahagi ng aktor na si Jin Tae Hyun ang pagkaka-recover niya sa parehong sakit gaya ng kay Yang Se Chan.
Read: Chad Borja, ibinahagi ang 25-year battle sa thyroid cancer
Si Jin Tae Hyun ay guest sa episode na iyon, habang isa si Yang Se Chan sa mga host/member.
Pagbabalik-tanaw ng kilalang Running Man member na si Yang Se Chan, biglaan lamang ang pagkaka-diagnose sa kanyang may thyroid cancer.
Sa pagkakaalala niya, nagre-rehearse siya noon para sa kanyang guesting sa comedy show na Comedy Big League nang makatanggap siya ng tawag mula sa doktor na nag-examine sa kanya.
Read: Here are cancer treatment options besides surgery, chemotherapy
Kuwento ni Yang Se Chan (ayon sa English translation ng Allkpop): "I was diagnosed with papillary thyroid cancer twelve years ago.
"A group of comedians went together for a health checkup, and that’s when it was discovered.
"I was rehearsing for Comedy Big League when I got the call.
"There wasn’t even time to feel sad. My colleagues tried to cheer me up, jokingly saying, ‘He’s got cancer, cancer, cancer,' which actually comforted me in their own way."
Ayon sa Mayo Clinic, ang papillary thyroid cancer ay isang uri ng cancer na nagsisimula sa thyroid gland, isang maliit na hugis butterfly na organ sa leeg.
Isa rin ito sa itinuturing na pinakakaraniwang uri ng thyroid cancer, na bumubuo ng humigit-kumulang 80 percent ng lahat ng kaso ng kanser sa thyroid.
Lumilitaw ito mula sa mga cell na gumagawa ng mga hormone ng teroydeo.
Read: What to eat, drink, and take to prevent cancer
Signs of thyroid cancer found in Yang Se Chan
Pagpapatuloy pa ni Yang Se Chan, bago ma-diagnose ay wala naman siya noong nararamdaman sa kanyang katawan, puwera sa pagiging antukin at pakiramdam na laging pagod.

Hanggang sa sabihin daw ng kanyang doktor na ito na ang isa sa maaaring sintomas ng kanyang dinaramdam na sakit.
Ani Yang Se Chan: "I once slept for ten straight hours. After sleeping for ten hours, I went to work with Lee Yong Jin, but I couldn’t stop yawning.
"That was my body sending me a signal."
Sa ngayon ay patuloy sa kanyang treatment at pagpapagaling si Yang Se Chan.
"I'm okay, I’m still taking medicine," paniniguro niya sa mga nag-aalala sa kanya.
Read: Running Man Cast Amazed by Pacquiao's Mansion
Yang Se Chan’s fans offer prayers amid health concerns
Samantala, agad na bumuhos ang panalangin kay Yang Se Chan mula sa kanyang mga tagahanga.
Post ng isang netizen sa X, "Prayers are sending you strength Yang Se Chan."
Saad ng isa (published as is), "WISHING YANG SE CHAN A FULL AND COMPLETE RECOVERY."
Sabi pa ng isa, "That's crazy. People are really going through so much yet showing up like nothing is happening. Been watching Running Man and he doesn't even show it. Get well soon, Yang Se Chan."
Read: Bea Alonzo’s birthday surprise with BF Vincent Co goes viral
