PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Meet Lyle and Eleanor Gittens: World’s longest-married couple

“We love each other”
by KC Cordero
Published Nov 11, 2025
Photo of Lyle and Eleanor Gittens
Simple lang ang dahilan ng mag-asawang Lyle at Eleanor Gittens kung bakit naging matatag ang kanilang marriage at tumagal na ng 83 years: Mahal nila ang isa’t isa. (Photo: Vice)

Ang couple mula sa Miami, USA, na sina Lyle Gittens, 108, at Eleanor, 107, ang kinikilala ngayong may hawak ng titulong “longest-married couple in the world.”

Eighty-three years na silang kasal.

Kinumpirma ito noong November 4, 2025, ng official YouTube channel ng LongeviQuest, na ayon sa website nito ay "global authority on maximum human longevity."

The couple
Ang mag-asawang Lyle at Eleanor Gittens. Photo: Screenshot at LongeviQuest YouTube Channel
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang LongeviQuest ay may "supercentenarian database" na naglalaman ng "verified listing of the world's oldest people."

Ang distinction ay ibinigay sa couple na ikinasal, parehong buhay pa, at nagsasama.

Nagsilbing ebidensiya ang naitagong 1942 marriage certificate ng mag-asawang Gittens, pati na rin ang U.S. census entries, at iba pang archival materials.

Ang dating may hawak ng distinction— simula noong February 2025—ay sina Manoel Angelim Dino, 106, at Maria de Sousa Dino, 102, ng Brazil.

Eighty-five years silang kasal bago bawian ng buhay si Manoel nitong October 2025.

Nai-feature din sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanilang love story noong February 25, 2025.

Read: Couple looks strikingly similar; often mistaken as twins

LOVE STORY THAT SURVIVED WAR, PANDEMIC, AND HARDSHIPS

Samantala, sina Lyle at Eleanor din ang "world’s oldest ever married couple" na may combined age na mahigit sa 216.

Isang patunay ito na ang kanilang love story ay exceptional dahil na-survive nila ang giyera, pandemya, at iba pang pagsubok ng buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang tanungin kung ano ang sikreto ng kanilang matagal na pagsasama, sagot ni Eleanor: “We love each other.”

Sambit naman ni Lyle: “I love my wife. It’s simple.”

Read: Husband jailed after saving wife’s number as "Chubby" in phone

HOW THE COUPLE MET

Unang nagkita sina Lyle at Eleanor noong 1941 sa isang college basketball game.

Naglalaro noon si Lyle para sa Clark Atlanta University.

Nanonood naman si Eleanor.

Pareho silang estudyante ng unibersidad.

Sinabi niya sa LongeviQuest na hindi na niya matandaan kung ang team ni Lyle ang nanalo o ang kalabang Morehouse College.

Ang naaalala na lang niya ay iyon ang unang pagkakataong nakita niya si Lyle—na inductee sa men’s basketball hall of fame ng Clark Atlanta.

Read: Newlyweds divorce over feuding pets

COUPLE WED DESPITE GROOM GOING TO WAR

Na-in love sa isa’t isa sina Lyle at Eleanor.

Nagplano silang magpakasal kahit pa sigurado nang mada-draft sa US Army at masasabak sa World War II si Lyle.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ikinasal sila noong June 4, 1942, matapos bigyan si Lyle ng three-day pass mula sa training sa US Army base sa Georgia.

The couple's wedding photo
Ang tanging naitagong larawan ni Eleanor ng kasal nila ni Lyle. Photo: Gittens Family

Sa kanilang wedding day din lang unang nakilala ni Lyle ang pamilya ni Eleanor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos ng kasal, nagbiyahe ang mag-asawa sa isang “racially segregated train car.”

Noong panahong iyon ay kainitan pa lang ng pakikipaglaban ng mga Black American para sa kanilang mga karapatan.

Ayon kay Lyle ay mahaba ang biyahe, pero well worth it dahil kay Eleanor.

Read: Wife uncovers husband’s affair via failed contraceptive e-payment

Wife Thought Husband Would Never Return Home

Naging bahagi si Lyle US Army’s 92nd Infantry Division at nadestino sa Italy.

Pag-amin ni Eleanor, hindi niya maiwasang mag-isip noon kung makakabalik pa nang buhay ang kanyang mister.

Buntis na siya noon sa panganay nilang anak.

Pag-alis ni Lyle, lumipat naman si Eleanor sa New York City, kung saan na-meet niya sa unang pagkakataon ang pamilya ng mister.

Nagtrabaho siya bilang payroll clerk sa isang pagawaan ng aircraft parts.

Lagi naman silang nagpapalitan ni Lyle ng mga liham para manatiling konektado sa isa’t isa.

Ibinahagi niyang may mga part ng liham ng mister na tinatakpan ng US Army dahil sini-censor ng military ang ibang mga sensitibong detalye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paraan iyon upang hindi malaman ng mga kalaban sakaling mapasakamay ng mga ito ang liham.

Read: Wife suffers depression after being seen naked by window cleaners

COUPLE BECAME GOVERNMENT EMPLOYEES

Nung natapos na ang giyera, sa New York nanirahan sina Eleanor at Lyle.

Nagkaroon sila ng tatlong anak.

Pareho silang nakapasa sa New York’s civil service exam, at pareho ring naging government employees.

Read: Couple sells wedding tickets; earns PHP7.5 Million

Husband Can’t Believe Their Marriage Set a World Record

Sixty-nine years old na si Eleanor nang matapos niya ang urban education doctorate sa Fordham University sa Bronx.

Ang couple ay ilang dekada ring naging active members ng alumni association ng Clark Atlanta.

Lumipat sila sa Miami para makasama ang anak na si Angela.

Aminado si Lyle na nami-miss niya ang New York.

Hindi rin siya makapaniwalang nag-set ng world record ang marriage nila ni Eleanor.

Masayang-masaya naman siyang si Eleanor ang kanyang naging misis at laging nasa kanyang tabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya sa LongeviQuest, “I’m happy to be here.

“We enjoy our time together. We’ve done a lot of things together.”

Read: Man forgets wife at gas station; realizes 300 kilometers later

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Simple lang ang dahilan ng mag-asawang Lyle at Eleanor Gittens kung bakit naging matatag ang kanilang marriage at tumagal na ng 83 years: Mahal nila ang isa’t isa. (Photo: Vice)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results