Pansamantala munang naka-hold ang pag-release ng funding para sa Miss Universe 2026 na gaganapin sa Puerto Rico.
Gusto raw ng national government at ng Puerto Rico Tourism Company (PRTC) na makapagdaos muna ng meeting sa pagitan ng Miss Universe Organization (MUO) at ng kanilang pamahalaan.
Ito ay ayon kay PRTC executive director of the public corporation, Willianette Robles Cancel, base sa ulat ng EL VOCERO, isang free newspaper sa Puerto Rico.
Nakalagay sa headline ng diyaryo kahapon, December 10, 2025, sa wikang Espanyol: "Gobierno detiene desembolso de fondos a Miss Universe." ("Government halts disbursement of funds to Miss Universe.")

Read: Miss Universe 2025 Fatima Bosch returns to Mexico without fanfare
PUERTO RICO GOVERNMENT EXPLAINS HALT OF FUND DISBURSEMENT
Dagdag pa sa ulat, base sa pinirmahang kontrata sa pagitan ng Miss Universe Organization at ni Ronald Day, CEO of Miss Universe Americas, ang pangatlong bayad na US$1.5-M—na kukumpleto sa US$4.5-M na bayad para sa kalahati ng kontratang napag-usapang US$9-M mula sa gobyerno—ay naka-schedule noong December 8.
Pero itinigil daw muna ito.
Saad ni Cancel, “Not yet. Not until we meet.”
Kailangan daw muna nilang magkaroon ng bagong pag-uusap upang maplantsa ang ilang kontrobersiya para sa pagdadaos ng Miss Universe 2026.
Ang mangyayaring meeting daw ay maaaring magresulta sa bagong proposals mula sa orihinal na napag-usapan.
Ayon pa sa tourism official, isa sa maaring talakayin sa meeting ang tungkol sa pagpapakalat ng impormasyon at sa "internal processes of the contest."
Aniya, "One of the things we want to work on is asking them not to publish the results or the juries, if requested."
Baka raw mangyari ang meeting sa January 2026.
Read: Miss Universe 2025 Fatima Bosch, nag-walkout sa TV interview
Estimated economic impact OF holding Miss Universe 2026
Ang Miss Universe 2026 sa Puerto Rico, ayon sa presscon noon ng governor ng Puerto Rico na si Jenniffer González Colón, ay makakagawa raw ng 700 direct at 400 indirect jobs.
Makapagbibigay rin daw ito ng kita sa gobyerno ng Puerto Rico mula US $80-M hanggang US$200-M.
Pinaniniwalaang ang Miss Universe 2026 ay lalahukan ng 100 bansa at makapaghahatid ng US$14-M na kita mula sa 45,000 hotels sa bansa.
Inaasahan din daw ang lagpas 100 Miss Universe national heads na darating sa Puerto Rico dalawang buwan bago ang simula ng pageant.
Pahayag ni González Colón: "It’s two months of preparation, during which they will be visiting facilities in various iconic locations in Puerto Rico, as well as new areas that we will be preparing for this. Dance, music, gastronomy, Puerto Rico is that perfect destination."
Ito ang pang-apat na pagkakataong maghu-host ng Miss Universe ang Puerto Rico.
Sa Puerto Rico ginanap ang Miss Universe pageant noong 1972, 2001, at 2002.
Wala pang reaksiyon ang Miss Universe Organization sa ulat na ito.
Read: PA ni Jinkee, umalma sa mga akusasyon laban sa Pacquiao couple
