Tuloy na tuloy ang 74th Miss Universe sa Thailand sa darating na November 21, 2025 sa kabila ng pagpanaw ni Queen Mother Sirikit.
Si Queen Sirikit ang ina ng kasalukuyang hari ng Thailand na si King Maha Vajiralongkorn o King Rama X.
Read: Thailand's Queen Mother Sirikit dies at 93
NAWAT says miss universe "will proceed as originally scheduled"
Si Nawat Itsaragrisil ang nag-anunsiyo nito sa kanyang Instagram Story ngayong gabi ng October 25, 2025.
Siya ang executive director ng Miss Universe Organization (MUO).
Ang kumpanyang pinamumunuan ni Nawat, ang Miss Grand International Public Company Limited, ang organizer ng MUO.

Ayon sa IG post ni Nawat, pareho pa rin ang schedule of activities para sa gaganaping Miss Universe pageant.
Sabi sa statement na ibinahagi ni Nawat: "As announced in the Royal Gazette regarding the passing of Her Majesty Queen Sirikit, The Queen Mother, and in accordance with the mourning guidelines issued by the Office of the Prime Minister, Miss Grand International Public Company Limited, as the organizer of The 74th Miss Universe competition, scheduled to be held from November 2–21, 2025, in Thailand, wishes to inform that the event will proceed as originally scheduled.
"This is because the preparations and operations have been underway for some time, and several contestants and team members from abroad have already arrived in Thailand."
Magkakaroon lamang daw ng kaunting pagbabago sa mga aktibidades at format ng show para iayon sa pagluluksa ng Thailand.
Sabi pa rito, susundin ng organizer ang guidelines at recommendations na ibibigay ng Thai government.

Nabuhayan ng loob ang maraming pageant fans sa balita.
Matatandaang nausog noon ang Miss International Queen 2016 mula November 2016 to March 2017 dahil sa pagpanaw ni King Bhumibol Adulyadej sa edad na 88 noong Oct. 13.
Kaya may mga nabahala na baka ganun din ang mangyari sa Miss Universe, bagay na nilinaw naman na ni Nawat.
Ang kandidata ng Pilipinas sa Miss Universe 2025 ay si Athisa Manalo.
