Pumanaw na ang South Korean actor na si Woo Chang Soo, matapos ang matagal niyang pakikipaglaban sa isang karamdaman.
Siya ay 51.
Ngayong Lunes, January 19, 2026, inanunsiyo ng pamilyang naulila ni Woo Chang Soo ang malungkot na balita tungkol sa pagpanaw ng aktor noong January 16.
Read: Robi Domingo speaks on reported tension with John Lloyd Cruz
Woo Chang Soo’s passing has left many of his fans and colleagues shocked
Maraming K-drama fans ang nagulat sa pagkamatay ni Woo Chang Soo.

Lalo na't hindi malinaw sa kanila kung ano ang kanyang sakit.
Read: Rabiya Mateo diagnosed with depression and anxious distress
Noong January 29, 2025, nag-post si Woo Chang Soo sa social media kung saan binanggit niya ang planong magpakalbo, na ayon sa ilang tagahanga ay maaaring may kaugnayan sa kanyang kalusugan.
Mababasa sa post ni Woo Chang Soo (base sa English translation ng Koreaboo): "I spent all day debating whether to shave my head, even charged up the clippers and posted in the family group chat that I was going to do it.
"Then my younger sister scolded me, so I changed my mind and just cut off my ponytail instead.
"After my little DIY haircut, I wrapped up the day by making what I thought was a nourishing meal—bean sprouts with dried pollack and sea squirt—to take care of my body.
"I really need to take better care of myself. Get it together, Chang Soo."
Read: Bong Revilla faces malversation, graft raps over flood control
WHO IS WOO CHANG SOO?
Si Woo Chang Soo ay isang respetadong stage actor, director, at professor sa South Korea.
Nagsimula ang kanyang karera sa mundo ng teatro at musical stage productions.
Kalaunan, napabilang siya sa mga pelikulang Welcome to My World (1999) at Blue Spring (2002).
Dahil sa kanyang malalim na pagmamahal sa teatro, siya ang nagsulat at nagdirek ng dulang Standing There.
Nagsilbi rin siyang artistic director ng mga theater play na Palchoongi at Yurim Restaurant.
Bukod dito, naging guro rin siya ng Model Acting Arts track sa Seoul Hoseo Arts Practical College.
