Malapit nang makamit ng Filipina nurse na si Apple Moorhouse, residente ng United Kingdom, ang hustisya kaugnay ng diskriminasyon at pananakit sa kanya ng isang elderly British couple noong August 2025.
Nakunan ng video ng grupo ni Apple ang insidente.
Nag-viral ito sa social media at naging laman ng mga balita, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal)
Mapapanood sa video ang engkuwentro ni Apple sa elderly British couple sa Manor Heath Park, Halifax.
Pinagsabihan ng Pinay nurse ang mag-asawa dahil sa mabangis nilang aso na pinakawalan sa parke at hinabol ang kanyang six-year-old daughter at ang ama ni Apple na bumisita noon sa U.K.
Nauwi ang engkuwentro sa argumento.
Sa tulong ng mga awtoridad, natukoy ang pagkakakilanlan ng elderly couple.
Read: Pinay nurse, kids suffer assault, discrimination from UK couple
ELDERLY COUPLE PLEADS GUILTY.
Pinangalanan ang couple bilang sina Fyona, 72, at Michael Bairstow, 77, na humarap sa Bradford Magistrate’s Court para sa hearing noong Miyerkules, March 11, 2026.
Nag-plead ng guilty ang mag-asawang Briton sa kasong assault at abuse, ulat ng ITV News, isang kilalang British news organization
Binanggit sa report na si Apple ay isang British national na nakatira sa Huddersfield, ang birthplace ng Rugby League.
Isang dekada siyang nagtrabaho sa National Health Service ng U.K.
Idinetalye ang pag-atake na ginawa ng Bairstow couple sa pamilya ni Apple sa park.
Binuhusan daw sila ng tubig.
Narinig din sa video nang sabihan ni Michael ang Filipino nurse ng “go back on the boat” at “ban the immigrants.”
Binanggit din ang ginawang paghablot ng British woman sa cellphone at ang paghila nito sa buhok ng Filipina nurse.
Ipinakita pa ni Apple ang natamong pasa sa braso mula sa mahigpit na paghawak sa kanya ng British woman.

Sa interview, sinabi ni Apple na tinawag siyang “stupid bitch” ng British woman.
“They were very racist towards me, they seemed to want to make everything a conversation about immigrants and calling me a slave,” lahad ni Apple sa ITV News.
Nag-plead guilty rin si Michael sa isa pang assault offense dahil sinuntok niya ang isang babaeng nagtangkang umawat nang sugurin ni Michael si Apple sa park.
Nakalaya ang Bairstow couple dahil sa piyansa. Inaasahang babasahan sila ng sentensiya sa April 16, 2026.
Nang lumabas ng korte ang Bairstow couple matapos ang hearing, nagtakip sila ng mukha at tumangging magpa-interview.
Read: Netizens weigh in on It's Showtime player's Malacañang slip-up
FILIPINA NURSE FEELS UNSAFE
Samanta, nagpa-interview sa media si Apple.
Aniya, pakiramdam niya ay hindi siya ligtas dahil sa insidente.
“I’ve been here since 2009 and never had anything like this before, for 10 years, it was fine, but now it’s got worse."
Dahil sa takot, hindi na bumalik sa trabaho si Apple kahit sampung taon na siya sa healthcare.
“Caring was my passion, but then this happened and it was hard to go back.”
Sabi niya pa tungkol sa British couple, “At their age they should know better, but obviously they didn’t.”
Ang diskriminasyon kay Apple ay kinondena ng mga opisyal ng health sector sa kanilang lugar.
“Black, Asian and minority ethnic people—including nursing and midwifery professionals—make a huge contribution to our society, in general, and to our health services, in particular,” pahayag ni Nursing and Midwifery Council Chief Executive Paul Rees.
Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, nagbihay ng update si Apple.
Ipinost niya ang larawan na may stamp ng "guilty."
"Getting closer to justice. April 16 it is," simpleng caption niya sa itinakdang pagbabasa ng hatol sa elderly British couple.
