Hindi lang isa kundi dalawang sources ang nagsabi na nakaka-turn off ang personality ni FOREIGN STAR sa totoong buhay.
Sa screen, mahuhumaling ka sa kaguwapuhan niya at mai-in love sa mga characters niya.
Pero sa totoong buhay, hindi pala.
"Medyo cold siya, hindi nangiti," ang sabi ni Source No. 1, na may access sa mga production sets.
Aniya pa, "Noong una, akala ko, shy lang siya because of language barrier.
"Pero, ang napansin ko, kapag mga kapwa celebrity ang kausap, lalo na kapag sikat, extra friendly siya.
"Pero kapag common tao, wala siya gaanong reaction."
Napanood din daw ni Source No. 1 si FOREIGN STAR sa mga live shows, kung saan makikitang masayahin at palabiro ito.
"Ibang-iba talaga siya sa personal. Very professional, pero, hindi siya likas na friendly," dagdag niya.
Si Source No. 2 naman ay may encounter with the FOREIGN STAR.
Akala raw niya ay mabait, pero "imaging" lang pala.
Saksi raw kasi si Foreign Star nung sinigaw-sigawan ng kanyang manager ang isang paying client sa backstage ng isang event. Pero nonchalant lang daw siya.
In fairness, nagkaroon kasi ng two-hour delay sa pagsisimula ng show, pero grabe ang galit ni manager.
At hindi na rin daw kinumpleto ni FOREIGN STAR ang dapat niyang gawin sa stage dahil "walkout na agad."
Mapapansin din daw na "masama pa mood when he appeared on stage."
Professional naman sa call time. Yun nga lang, hindi talaga siya mapapakiusapan.
Is it the culture?
Aminado naman si Source No. 2 na hindi tamang hindi masunod ang oras. Pero shookt siya sa galit na galit na reaksiyon ni manager.
CLUE ABOUT FOREIGN STAR
Bago kayo mag-jump into conclusion, ang tinutukoy natin ay hindi Manila-based foreign star.
Baka kasi iba ang mapagkamalan niyong may attitude, e, yung mga based dito ay napaka-charming on cam at off-cam.
Read:
JM De Guzman, minus 15 lbs ang timbang; suportado ni Donnalyn
Slater Young breaks silence: “Monterrazas did not cause flooding”