Ikinasal na ang aktor at K-pop idol na si Ok Taecyeon, 37, sa kanyang longtime non-celebrity fiancée sa isang private ceremony na ginanap sa The Shilla Seoul, sa South Korea, kahapon, April 24, 2026.
Lumabas noon na ang pangalan ng napangasawa ni Taecyeon ay Ji Hye, ngunit walang gaanong detalye sa pagkakakilanlan sa kanya.
Wala rin gaanong detalye na inilalabas ang kampo ni Taecyeon tungkol sa naganap na pag-iisang dibdib, ngunit may ilang larawan ang kumakalat ngayon sa social media.

Ang kasal ay dinaluhan ng mga kamiyembro ni Taecyeon sa K-pop group na 2PM: sina Jun K, Nichkhun, Wooyoung, Junho, at Chansung.
Si Taecyeon ang ikalawang miyembro ng 2PM na nagpakasal; ang una ay ang maknae na si Chansung na ikinasal noong 2022.

Maliban sa 2PM members, dumalo rin sa kasal ni Taecyeon ang pamilya at mga kaibigan nila ng kanyang bride.
Namataan din sa wedding ang co-star ni Taecyeon sa Vincenzo na si Song Joong Ki.
Read: Mayor Vico Sotto highlights new PHP9-B city hall project; built to last for 100 years

TAECYEON'S ENGAGEMENT ANNOUNCEMENT
Inanunsiyo ni Taecyeon ang engagement nila ng kanyang longtime non-showbiz girlfriend noong November 1, 2025.
Kaugnay nito, isang handwritten letter ang ibinahagi niya sa fans na sumuporta sa kanya mula nang magsimula ang kanyang showbiz career.
Nakasaad dito (ayon sa English translation ng Allkpop): “I've decided to pick up my pen because I want to be the first to share my story with all of you, the fans who have always loved and supported me.
"19 years have passed since I debuted with 2PM. From my beginnings at 19 years old on the audition program Superstar Survival to now, I could only come this far because you were with me. So I felt that it was only right for me to deliver this news to you first.
"I have promised to spend the rest of my life with the one person who has understood and trusted me for a long time. We intend to walk the path of life together while being by each other's sides.
"Once again, I sincerely thank my fans for your unwavering support which has allowed me to come this far. You have no idea how much indescribable strength you gave me with your love and encouragement.
"I will do my best moving forward as a member of 2PM, as an actor, and as your Taecyeon to repay you for your love and trust.”
Read: 2PM's Taecyeon to marry longtime non-showbiz girlfriend
Aktibo pa rin si Taecyeon bilang miyembro ng 2PM, ngunit mas nakatuon ang kanyang pansin ngayon sa kanyang acting career.
Kabilang sa mga tumatak na proyekto ni Taecyeon ay ang mga K-drama series na Dream High (2011), Bring It On, Ghost (2016), Vincenzo (2021), Blind (2022), at Heartbeat (2023).
Nagkaroon din siya ng cameo appearance sa Netflix series na XO, Kitty (2023).
