PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lionel Richie, 77, halts concert after feeling dizzy on stage

"When you're feeling dizzy, sit your ass down," says Lionel Richie on stage.
by Jojo Gabinete
Published A day ago
lionel richie concert
Lionel Richie stops his Minnesota concert after suffering dizziness during his performance. The Grammy-winning singer was unable to continue the show, prompting an outpouring of concern from fans.

Itinigil ng American music legend at Grammy-winning singer na si Lionel Richie, 77, ang pagtatanghal niya sa Grand Casino Arena ng St. Paul, Minnesota, USA, dahil nakaramdam siya ng pagkahilo.

Noong Hunyo 24, Miyerkules, ang unang gabi ng Sing A Song All Night Long, ang kanyang 26-city North American tour, kasama ang Earth, Wind & Fire.

Makalipas ang isang oras na pagkanta at pagsayaw, napaupo si Richie sa entablado habang inaawit niya ang “Dancing on the Ceiling."

“When you’re feeling dizzy, sit your ass down,” sabi ni Richie sa concert audience bago niya inawit at tinugtog sa piano ang kanyang popular na awiting “Three Times a Lady.”

Nakunan ito ng video ng mga nanood ng kanyang concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Rene Baterbonia's mother makes emotional plea at son's funeral

LIONEL RICHIE CONCERT ENDS ABRUPTLY

Nag-anunsiyo si Richie ng intermission.

Nanatili sa entablado ang kanyang banda sa loob ng labinlimang (15) minuto.

Pero makalipas ang matagal na paghihintay, ibinalita ng band saxophonist na si Dino Soldo na hindi na makapagtatanghal ang music icon dahil sa karamdaman nito.

“Unfortunately, Lionel is not feeling well. He won’t be able to continue. Additional information will be available,” pahayag ni Soldo.

Hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang panig ni Richie tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng kanyang kalusugan, pero napansin ng mga nanood ng concert na pinagpapawisan siya nang husto habang kumakanta.

“Pray for Lionel Richie," hiling at panawagan ng mga tagahanga ni Richie na labis na nababahala sa nangyari sa 77-year-old singer.

Ilan sa maraming pinasikat na kanta ni Lionel ang "Hello," "My Love," "Say You, Say Me," "Stuck on You," "Penny Lover," at "Endless Love" (duet with Diana Ross).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Gary V, hindi natapos ang concert dahil sa masamang kundisyon

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lionel Richie stops his Minnesota concert after suffering dizziness during his performance. The Grammy-winning singer was unable to continue the show, prompting an outpouring of concern from fans.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results