Pumanaw na ang South Korean actor na si Jeon Seung Jae nitong Miyerkules, July 29, 2026, matapos manatiling comatose nang halos dalawang taon.
Siya ay 47 taong gulang.

Nakaburol ang mga labi ni Jeon Seung Jae sa Shillakwon Gyeonggi Funeral Hall sa Suwon, Gyeonggi Province.
Ngayong araw, July 31, nakatakdang ilibing ang mga labi ng aktor.
Jeon Seung Jae suffered brain hemorrhage in 2024
Noong 2024, nakaranas si Jeon Seung Jae ng brain hemorrhage habang nasa kalagitnaan siya ng shooting ng KBS historical drama na Korea-Khitan War.
Ayon sa mga ulat, bigla na lamang bumagsak si Jeon Seung Jae sa filming site sa Suwon kaya agad siyang isinugod sa ospital at sumailalim sa emergency surgery matapos makaranas ng brain hemorrhage.
Read: Kim Soo Hyun cleared of dating minor allegations
Ang brain hemorrhage o pagdurugo sa utak ay kondisyon kung saan may pagdurugo mula sa isang ugat sa loob o sa paligid ng utak. Maaari itong magdulot ng pressure at pinsala sa brain tissue.
Matapos ang insidente, nanatiling unconscious ang aktor at hindi na muling nagkamalay sa loob ng halos dalawang taon.
Jeon Seung Jae's acting career
Nagsimula ang acting career ni Jeon Seung Jae noong 2004 sa pelikulang Taegukgi: The Brotherhood of War.
Bukod dito, lumabas din siya sa ilang pelikula gaya ng The Good, the Bad, the Weird (2008), The Recipe, at Hello Ghost (2010).
Read: James Reid says Issa became his "compass" after PHP150M loss
Kabilang din siya sa Korean drama series na High Kick Through the Roof (2009) at Splendid Politics (2015).
Huling napanood si Jeon Seung Jae noong 2024 sa Netflix series na The Bequeathed.
