Pinawalang-sala ng South Korean police ang aktor na si Kim Soo Hyun kaugnay ng alegasyong paglabag sa Child Welfare Act dahil umano sa pakikipagrelasyon niya sa yumaong aktres na si Kim Sae Ron noong menor de edad pa ito.
Ayon sa Seoul's Seongdong Police Station nitong Miyerkules, July 29, 2026, nagdesisyon silang huwag nang i-refer sa prosecutors ang reklamo laban kay Kim Soo Hyun dahil walang sapat na ebidensiyang magpapatunay sa alegasyong child abuse.

Read: Kim Soo Hyun vows to clear his name amid allegations
Dagdag pa nila, hindi rin tinanggap bilang ebidensiya ang isang audio recording na isinumite sa imbestigasyon dahil lumalabas na na-edit o minanipula ito.
"The case was closed due to insufficient evidence," pahayag ng pulisya.
Kim Sae Ron's family fileD a complaint against KIM SOO HYUN
Noong May 2025, nagsampa ng criminal complaint ang pamilya ni Kim Sae Ron laban kay Kim Soo Hyun dahil sa pakikipagrelasyon umano ng aktor sa kanilang anak.
Nangyari ito matapos isambulat sa publiko ng Garosero Research Institute ang pakikipagrelasyon daw ni Kim Soo Hyun sa namayapang aktres na si Kim Sae Ron noong menor de edad pa lamang ito, na anila'y malinaw na paglabag sa Child Welfare Act.
Read: Kim Sae Ron's family sues Kim Soo Hyun for child abuse
Ang Garosero Research Institute ay isang independent media platform sa South Korea na nakilala bilang "whistleblower" o nagbubulgar ng eskandalo sa mundo ng entertainment, business, at politics.
Ayon sa inilabas na impormasyon noon ng Garosero, 15-anyos lamang si Kim Sae Ron nang magsimula ang sinasabing relasyon nila ni Kim Soo Hyun, na noo’y 27-anyos.
Tumagal daw ang relasyon nila ng anim na taon—mula sa huling bahagi ng 2015 hanggang sa unang bahagi ng 2022.
Taliwas naman ito sa ipinaglalaban ni Kim Soo Hyun na nasa hustong edad na raw si Kim Sae Ron nang magkaroon sila ng relasyon.
At tumagal lamang daw ng isang taon ang kanilang ugnayan—mula summer (June to August) ng 2019 hanggang autumn (September to November) ng 2020.
Read: Kim Soo Hyun finally admits past relationship with Kim Sae Ron
Ngunit nanindigan ang Garosero na nagsasabi sila ng katotohanan.
Bilang patunay, naglabas pa ng ilang "ebidensiya" ang nasabing YouTube channel ng mga larawan at video nina Kim Soo Hyun at Kim Sae Ron noong sila'y magkarelasyon sa tulong ng naulilang pamilya ng aktres.
Read: Kim Soo Hyun's private photo at Kim Sae Ron's house goes viral
Kabilang sa mga isinapubliko ng pamilya ni Kim Sae Ron ay ang audio recording mula sa isang "whistleblower," na malapit kay Kim Sae Ron.
Bagamat hindi nila pinangalanan, ayon sa kanila, ito'y taga-New Jersey, USA.
Laman ng audio recording ang diumano'y pag-amin ni Kim Sae Ron na nagkarelasyon sila ni Kim Soo Hyun noong siya'y nasa "middle school" pa lamang.
Base sa audio recording, January 10, 2025, daw nang magkita sa isang coffee shop sa New Jersey si Kim Sae Ron at ang whistleblower.
Read: Kim Soo Hyun camp answers "false claims" of Kim Sae Ron's family
Samakatuwid, ang audio recording ay nai-record mahigit isang buwan bago sumakabilang buhay si Kim Sae Ron noong February 17, 2025.
Nasa audio recording din ang diumano'y pag-amin ni Kim Sae Ron na pakiramdam daw niya ay nagamit lang siya ni Kim Soo Hyun.
May ilang sensitibong detalye rin daw na nabanggit ang aktres sa recording na may kaugnayan sa pagsama ni Kim Soo Hyun sa ibang babae habang karelasyon pa nito si Kim Sae Ron.
Read: Kim Sae Ron's family releases private chats with Kim Soo Hyun
Dahil sa naturang audio recording, sinampahan ng reklamong paglabag sa Child Welfare Act ng pamilya ni Kim Sae Ron si Kim Soo Hyun.
Bukod sa audio recording, ibinigay rin ng pamilya ni Kim Sae Ron sa Garosero ang nadiskubre nilang mga screenshot umano ng ilang private text messages nina Kim Soo Hyun at Kim Sae Ron noong sila'y magkarelasyon pa.
Ang nakalagay na petsa: "June 2016," na ang pakahulugan ay 16-anyos lamang si Kim Sae Ron na ipinanganak taong 2000.
Korean police seek arrest warrant for Garosero head over alleged fabricated evidence
Ngunit sa pag-iimbestiga ng awtoridad, napag-alamang "fabricated" ang mga inilabas na ebidensiya, gaya ng mga screenshot at audio recording ng Garosero kaugnay sa relasyon noon nina Kim Soo Hyun at Kim Sae Ron.
Ayon sa ulat ng Korea JoongAng Daily noong May 22, 2026, totoong nagbigay ng screenshot ang pamilya ni Kim Sae Ron sa Garosero tungkol sa palitan noon ng mensahe ng aktres at Kim Soo Hyun.
Ngunit sa isinagawang imbestigasyon, napag-alaman ng mga awtoridad na ilan sa mga screenshot ay minanipula at in-edit ng Garosero bago inilabas sa publiko upang palabasing may maling ginawa si Kim Soo Hyun.
Nadiskubre rin nilang peke ang audio recording at nilikha lamang gamit ang AI (artificial intelligence), kung saan ginaya ang boses ni Kim Sae Ron.
Paniniwala ng pulisya, ginamit lamang ng Garosero, sa pangunguna ng operator na si Kim Se Eui, ang naging relasyon noon nina Kim Soo Hyun at Kim Sae Ron upang makakuha ng views para sa kanilang YouTube channel.
Read: Police dismiss claims Kim Soo Hyun dated a minor
Dahil dito, naghain ng arrest warrant ang Seoul Central District Prosecutors’ Office laban kay Kim Se-eui dahil sa paglabag niya sa Act on Special Cases Concerning the Punishment of Sexual Crimes, partikular sa mga probisyon tungkol sa "illegal filming and distribution using cameras."
Read: Kim Soo Hyun to resume activities through ad shoot for PH brand
