PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bonnie Tyler gets hero’s welcome as her remains return to Wales

Bonnie Tyler’s homecoming draws thousands to streets of Wales
by Jojo Gabinete
Published 4 hours ago
bonnie tyler funeral
Thousands of mourners lined the streets of Mumbles, Wales, to give legendary singer Bonnie Tyler an emotional hero’s welcome as her remains were brought home more than a month after her death in Portugal.
PHOTO/S: Instagram / Spotify

Isang hero’s welcome ang tinanggap ng Welsh singer na si Bonnie Tyler, Gaynor Hopkins sa tunay na buhay, nang iuwi ang kanyang mga labi sa bayan niya sa Wales noong Lunes, Agosto 17, 2026 (Agosto 18 sa Pilipinas).

Pumanaw si Bonnie sa edad na 75 sa Faro, Portugal, noong Hulyo 8, 2026.

Makalipas ang mahigit isang buwan matapos bawian ng buhay, iniuwi ang bangkay ni Bonnie sa kanyang bayan.

Libu-libo ang bilang ng mga taong nag-abang at luminya sa kalsada, nagpalakpakan, at sumigaw ng “We love you Bonnie!” nang dumaan ang funeral car na lulan ang kanyang mga labi.

Ang ilan sa mga pinasikat na kanta ni Bonnie ay "Total Eclipse of the Heart," "It’s A Heartache," "Holding Out For A Hero," "Lost in France," at "Here She Comes."

CATHERINE ZETA-JONES' POST

Kabilang ang Hollywood actress na si Catherine Zeta-Jones sa nagluluksa sa pagpanaw ni Bonnie.

Pinsan ni Catherine ang asawa ni Bonnie na si Robert Sullivan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Instagram post ni Catherine, kalakip ang video ng funeral procession ni Bonnie: “Bonnie Tyler, our Queen,came home. Through the streets of our village of Mumbles. The crowds line the streets for a moment of gratitude.”

Read: "Total Eclipse of the Heart" singer Bonnie Tyler dies at 75

BONNIE TAYLOR'S WHITE CASKET

Puti ang kulay ng kabaong ni Bonnie na may nakaukit na mikropono at treble clef.

Pagpupugay ito sa kanya bilang isang mang-aawit na naghatid ng karangalan sa Wales.

Nakaukit din sa kabaong ni Bonnie ang simbolo ng krus na madalas niyang suot, at ang mga pakpak na disenyo at nakaburda sa kanyang ginagamit na stage jacket.

bonnie tyler's casket
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Puring-puri at mahal na mahal si Bonnie ng kanyang mga kababayan dahil sa kabila ng kasikatang tinamasa niya sa buong mundo, nanatili siyang mapagkumbaba at may malalim na koneksiyon sa mamamayan ng Wales.

Ayon sa manager ni Bonnie na si Matthew Davis, ”She’s a star but never a diva.”

bonnie tyler condition
Photo/s: Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Actor-pastor Edward Barber reveals he’s now engaged

BONNIE TYLER'S FUNERAL

Idinaos ang misa para kay Bonnie sa St. Mary’s Church sa Swansea Minster, at napanood ito nang live sa buong mundo sa pamamagitan ng live streaming.

Inawit ng Only Men Aloud sa misa ang "Total Eclipse of the Heart" at "Bridge Over Troubled Water," isa sa mga paboritong kanta ni Bonnie.

Pinatugtog din ang "Those Were the Days," na malapit sa puso ni Bonnie dahil ang nabanggit na kanta ang inawit niya nang sumali at manalo siya noon ng one pound (£1) sa isang singing competition.

Ang kapwa Welsh singer na si Mary Hopkin ang orihinal na mang-aawit ng "Those Were the Days."

Nang maging singer si Bonnie, gumamit siya ng screen name para hindi malito ang mga tao dahil magkasing-tunog ang mga apelyido nilang Hopkin at Hopkins.

Noong nabubuhay pa si Bonnie, isa sa mga bilin niya ang patugtugin sa kanyang libing ang "Those Were the Days."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinupad ito ng kanyang mga naulila.

Read: HOW MUCH? Queenie Pacquiao’s U.S. college education

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Thousands of mourners lined the streets of Mumbles, Wales, to give legendary singer Bonnie Tyler an emotional hero’s welcome as her remains were brought home more than a month after her death in Portugal.
PHOTO/S: Instagram / Spotify
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results