Mula sa pagiging pageant fan, nasa center stage ngayon si Veejay Floresca bilang kinatawan ng Pilipinas sa isang international beauty pageant for transgender women.
Natatandaan niyo pa ba ang apat na magkakaibigang gays na nag-viral dahil sa video nilang nagsisisigaw nang matawag ang Philippines bilang isa sa semifinalists sa Miss Universe 2010 pageant?
Si Venus Raj ang kandidata ng Pilipinas noon, na itinanghal na fourth runner-up sa Miss Universe 2021.
Ang isa sa hindi naitago ang emosyon sa viral video na ito ay si Veejay.
And after 12 years, si Veejay, na dating taga-cheer sa kandidata ng Pinas, ay siya na ngayong kandidata sa isang international beauty pageant.
Si Veejay ang pambato ng Pilipinas sa Miss Trans Star International pageant na gaganapin sa Barcelona, Spain ngayong March 12, 2022.
Makakalaban niya ang 24 pang kandidata mula sa ibat ibang bansa.
Ani Veejay, na isa ring U.S.-based fashion designer, testimonya siya ng kasabihang dreams come true.
“I started as a pageant fan and who would have thought that I can be a beauty queen myself? All dreams are valid,” aniya sa panayam ni Miguel Dumaual ng ABS-CBN News noong March 10, 2022.
Payo pa ni Veejay, “Don’t allow other people’s opinions to stop you from achieving your dreams one day.
“Look at me! You’ll be surprised that you will have that opportunity to make your dream come true, and it’s really a great feeling.”

(Ang dating fan ay siya na ngayong pageant contestant)
Malayo na nga ang narating ni Veejay mula nang mag-viral ang video nilang sumisigaw para kay Venus.
Sabi niya, “Twelve years later, I’m here in Spain, wearing the Philippine sash, competing for the crown.”
Mangyayari ang grand coronation night ng Miss Trans Star International ngayong March 12, 2022.
VEEJAY NOW LIVES IN THE U.S.
Sa exclusive interview ni Veejay sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong nakaraang linggo, sinabi niyang nagdesisyon siyang manirahan sa Amerika dahil mas magandang lugar daw ito para sa trans woman na kagaya niya.
Aminado si Veejay na may mapait na karanasan siya sa diskriminasyon noong naninirahan pa siya sa Pilipinas.
Sa kabila nito, mas pinili pa rin niyang maging representative ng Pilipinas sa international pageant for trans women.
Ito ang kauna-unahang international pageant ni Veejay at determinado siyang gawin ang lahat ng kanyang makakaya para maiuwi ang korona.
Proud din si Veejay na nagamit niya ang kanyang pagiging fashion designer dahil siya ang nagdisenyo ng mga isusuot niya.
Read: U.S. citizen fashion designer Veejay Floresca to represent PH in Miss Trans Star International 2022
