PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Palaboy na yumakap sa ABS-CBN broadcaster, pumanaw na

Paalam, Melanie.
Published Jul 4, 2022
Homeless woman viral video "free hug"
Pumanaw na si Melanie Dubos, ang babaeng palaboy na nag-viral sa social media matapos nitong bigyan ng “free hug” habang nasa live report ang reporter ng ABS-CBN na si Izzy Lee, noong Sabado, July 2.
PHOTO/S: ABS-CBN NEWS YOUTUBE

Pumanaw na ang babaeng palaboy na nag-viral sa social media matapos nitong bigyan ng “free hug” habang nasa live report ang reporter ng ABS-CBN na si Izzy Lee.

Ang palaboy na ito ay kinilala kalaunan na si Melanie Dubos.

Nag-viral ang video at umani ng iba’t ibang reaksiyon at mensahe mula sa mga netizen at nakapanood nito.

Read: Palaboy na yumakap sa ABS-CBN reporter, siya ba ang hinahanap na Tita Nena?

Makalipas ang ilang linggo, matapos mag-viral ang nasabing video, natunton ang babaeng palaboy ng kanyang kapatid na si Mona Dubos.

Ngunit dahil sa kondisyon ni Melanie sa pag-iisip, ipinasok siya sa National Center for Mental Health (NCMH) sa Mandaluyong City para magamot.

Ayon sa report ng ABS-CBN, nagkapulmonya si Melanie kung kaya’t kinailangan nitong dalhin sa ibang hospital.

At nito lamang ika-2 ng Hulyo ng umaga ay natanggap ng pamilya Dubos ang malungkot na balitang pumanaw na si Melanie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinumpirma rin ni Peachy Lacabo ng Muntinlupa Social Services Department ang balita at sinabing hinihintay pa ang resulta ng swab test ni Melanie bago i-release ang mga labi nito.

“Still waiting for the result ng swab test bago po nila ma-release yung body po ni Melanie.

“Hindi na po tayo nakakuha ng iba pang information kasi nga po yung nagbigay lang po sa atin ng information is the doctor lang po siya sa sakit pero not the psychiatrist.

"E, nung tinatawagan po natin, e, hindi po talaga natin siya natatagpuan, palagi pong nasa meeting,” ani Lacabo.

GRIEF OF MELANIE’S FAMILY

Ayon pa sa ulat ng ABS-CBN nitong Sabado, ipinaalam na lamang ng psychiatric hospital, kung saan naka-confine si Melanie para sa kanyang mental health treatment, ang pagkamatay ni Melanie sa kapatid nitong si Mona.

Hinaing ni Mona, “Hindi naman po nila sinasabi kung ano na ba ang pneumonia nung ate ko, kung grabe na ba o ano.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Wala po silang update po, e, na kailangan pa bang iano yung ate ko, ganun. Wala pong update, kaya parang nakukulangan ako sa serbisyo nila.”

Dagdag pa niya, “Twice lang po sila nakapag-text sa 'kin, Ma’am, tapos biglang magtawag, mag-text na wala na, wala na yung ate ko.”

Matindi rin ang pagdadalamhati ng ina ni Melanie na si Aida Dubos, na lumuwas pa-Maynila mula Sultan Kudarat para bisitahin ang anak na may sakit.

Ngunit dahil sa protocol ay bigo niyang makita ang anak dahil kinailangang i-isolate ni Melanie dahil nga sa sakit na pneumonia.

Humihikbi niyang sabi, “Grabe, sobrang nanginginig talaga ang katawan ko, buong katawan ko nanginginig talaga.

"Hindi ko alam anong gagawin ko, Ma'am. Sobrang sakit po. Ni hindi ko man lang siya nakita nang personal."

Ngayon, umaasa na lamang si Nanay Aida na maiuwi ang mga labi ni Melanie sa Mindanao para mabigyan ng maayos na libing, pero hindi raw niya alam kung paano at saan kukuha ng pang gastos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil dito, umapela ng tulong si nanay Aida na maiuwi ang mga labi ni Melanie sa Mindanao.

Saad niya, "Nanghihingi po ako ng tulong kung sino yung mabuting ano ho na tulungan yung anak ko na sana makauwi dito sa Mindanao. Kasi kahit labi na lamang niya yung makita namin po.

"Nagpapasalamat po ako sa inyong lahat na nakuha siya, pero ang pinakamasakit, andiyan na po siya sa ospital, bakit ba siya namatay agad? Hindi namin siya nakita."

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na statement ang ospital na pinagdalhan kay Melanie kung saan siya namatay.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pumanaw na si Melanie Dubos, ang babaeng palaboy na nag-viral sa social media matapos nitong bigyan ng “free hug” habang nasa live report ang reporter ng ABS-CBN na si Izzy Lee, noong Sabado, July 2.
PHOTO/S: ABS-CBN NEWS YOUTUBE
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results