Cebu couple chooses Halloween-inspired prenup shoot na sementeryo ang location

by Mavell Macaranas-Dojillo
Sep 9, 2022
halloween prenup shoot cebu
Ani Micheal Vincent Cortez sa "dark" prenup shoot nila ng girlfriend na si Netfaly Mangubat: 'The darkness turned into light and even more, more than we are expecting. A love that is never-ending.”
PHOTO/S: Alexander Belciña for Storygraphs

Kakaiba ang prenup shoot ng Cebu-based couple na sina Micheal Vincent Cortez at Netfaly Mangubat.

Hindi kasi ito kagaya ng nakagisnang prenup shoot na masaya, makulay, at romantic.

Ang location nila ay sa isang sementeryo sa Bogo City, Cebu. Ang make-up nila ay pang-Halloween.

Sa October 8, 2022 pa ang kasal nila pero nakabalandra na ang katagang “Till death do us part” sa mga shots ng prenup shoot, na may video version din.

Madilim at eerie ang konsepto ng shoot nina Micheal at Netfaly.

Inspired ito ng mga pelikulang Coco, Corpse Bride, at The Nightmare Before Christmas.

halloween prenup cebu

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakakakilabot ang kanilang make-up. Makapanindig balahibo ang kanilang background.

Pero walang dudang agaw-pansin ang bawat frame at snapshot ng magkasintahan suot ang kani-kanilang wedding outfit.

Read also:

not your ordinary PRENUP SHOOT

Kuwento ni Micheal sa kanyang Facebook post, binubuo ng apat na video series ang kanilang pinag-isipang prenup concept.

Ang four-part series ay hango sa buhay nila bago magkakilala at nang maging magkarelasyon.

Naisakatuparan ng couple ang kanilang konsepto sa tulong ng videographer na si Maki Keel ng Keel Films, photographer na si Alexander Belciña ng Storygraphs, at wedding coordinator na Your Ideal by Cris Mandawe.

Noong August 14, 2022, inilabas ang kanilang first episode na inspired by the South Korean series Squid Games at pinamagatang “The Struggles.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paglalarawan dito ni Micheal, “[It’s about] two different individuals, playing our own games in life. Conquering every hurdles that life may bring and we found each other then fell in love in the process.”

Kinabukasan, August 15, inilabas nila ang “Episode 2: The Darkness,” na agad napukaw ng atensiyon ng netizens.

halloween prenup shoot cebu

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANG INSPIRASYON SA KAKAIBANG PRENUP SHOOT

Sa isang panayam sa INQUIRER.net, ibinahagi ng magkasintahan ang kuwento sa likod ng kanilang “dark” theme para sa second episode.

Anila, inilahad dito ang mga pinagdaanang “dark days” bago pa man sila maging couple, hanggang sa mga struggles na kanilang pinagdaanan bilang couple sa anim na taon nilang relasyon.

"We have our own skeletons hidden in closets and some shelves. [Together,] we found comfort, and [we both fell in love],” ani Micheal.

“We held each other’s hands even though we are still struggling. The darkness turned into light and even more, more than we are expecting. A love that is never-ending.”

Dagdag ni Micheal, makahulugan ang darkness sa kanilang relasyon.

“This is the part where we died, not literal. Death is when we encountered the dark days of our lives as a couple.

“I lost my job, the struggles that we have in looking for a job to be sufficient.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inspirasyon para sa sino mang nagmamahalan kung paanong nagsilbing “liwanag sa dilim” ang isa’t isa.

“Both of us are in the dark place, feeling dead inside, but after that, we found comfort, strength, and guidance from one another and we remove one another from the darkness that we were at.”

halloween prenup shoot cebu

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dumaan man sila sa dilim at sinubok man ang kanilang pagsasama, parating na ang mas maliwanag na bukas para kina Micheal at Netfaly ngayong nalalapit na ang kanilang kasal.

Samantala, ilalabas nila ang episodes 3 and 4 ng kanilang pre-wedding films na mangyayari sa mismong araw ng kanilang kasal next month.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ani Micheal Vincent Cortez sa "dark" prenup shoot nila ng girlfriend na si Netfaly Mangubat: 'The darkness turned into light and even more, more than we are expecting. A love that is never-ending.”
PHOTO/S: Alexander Belciña for Storygraphs
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results