PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joey Reyes, 1st iPhone 14 customer, one year nag-ipon ng pambili

Siya rin ang 1st customer ng iPhone 11 noong 2019.
by KC Cordero
Published Oct 14, 2022
Joey Reyes holding the unit he purchased
Kahit aniya hindi malaki ang kanyang suweldo, todo tipid at budget ang ginawa ni Joey Reyes for more than a year para makaipon ng pambili sa pangarap niyang gadget.

Si Joey Reyes ang kauna-unahang nakabili ng iPhone 14 nang opisyal nang ibenta ang gadget sa Power Mac Center (PMC) sa Greenbelt 3 Mall, Makati City, noong October 14, 2022.

Kabilang si Joey sa halos 200 customers na pumila bago pa man magbukas ng nasabing Apple store.

Pagbabahagi niya, pumila siya bandang alas siyete ng umaga ng October 12.

Sa kabuuan, 41 oras siyang naghintay.

Photo of Joey Reyes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento niya sa panayam ng ABS-CBN News, “Challenge sa madaling araw, mainit at malamok. Mahirap yung tulugan.

“Di naman puwedeng magdala ng kumot. Para makatulog nang maayos, nagdala ako ng carton.”

Kaya nang mapasakamay na niya ang pinakakaasam na phone: “Pero sulit! The best kasi ang iPhone 14. Worth it. Magagamit ko iyan sa trabaho.”

Ang presyo ng iPhone 14 ay nagsisimula sa PHP61,000.

At kapag may ganito kamahal na gadget, ang running joke sa comments section dito ay, para raw makabili ang isang karaniwang Pinoy, kailangang magbenta ng kidney.

Interestingly, ayon kay Joey, hindi malaki ang suweldo niya.

Nagtatrabaho siya bilang sales staff sa isang mall sa Manila.

Pinag-ipunan lang talaga niya sa loob ng mahigit isang taon and ipinambili.

Aniya, “Sales lang ako. Pangarap kong magka-iPhone. Tiniis ko po... budget-budget para makabili nang bago kasi love ko talaga.”

Nagtipid umano siya sa pagkain, pamasahe, at gastusin.

“Yung mga kaibigan ko sa trabaho, nanghihingi lang ako ng ulam. Yung pambili ng ulam, inilalagay ko sa alkansiya ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Minsan, nakikiangkas sa katrabaho. Nag-ambag din ang ibang kaibigan ko.”

Ayon pa kay Joey, ito ang ikalawang pagkakataong nauna siyang pumila para sa nasabing brand ng phone sa branch ding iyon.

Noong 2019, siya rin ang unang nakabili ng iPhone 11.

Ang masaklap, hindi iyon nagtagal sa kanya.

“Yung cellphone kong una, iPhone 11, nanakaw.

“Pauwi na ako, malakas ang ulan. Hindi ko namalayan na yung cellphone ko ay nahablot na pala.”

Photo of Joey Reyes

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pagbabahagi pa ni Joey, may reward para sa mga pinakaunang customer.

“Pag una ka sa pila, may surprise ka. Hindi ko pa alam ang laman, pero may freebies.”

Isa si Joey sa first 50 customers na nabigyan ng PHP28,000 worth of accessories mula sa partner brands ng Apple store.

Aniya, “Hahatiin ko. Ibebenta ko iba—sa kaibigan ko o katrabaho o kakilala—para makabawi.”

Namigay din ang PMC sa mga customer na pumila ng pagkain.

Sa mismong launch ay nag-perform naman sina Zack Tabudlo at Sarah Geronimo.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kahit aniya hindi malaki ang kanyang suweldo, todo tipid at budget ang ginawa ni Joey Reyes for more than a year para makaipon ng pambili sa pangarap niyang gadget.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results