PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

GMA-7 executive: There is no offer for Sarah Geronimo to transfer

Paglipat ni Matteo Guidicelli sa Kapuso network, kasado na?
by PEP Troika
Published Jul 26, 2022
sarah matteo network transfer
Parehong napababalitang lilipat ng GMA Network ang mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Pero ayon sa GMA-7 executive na si Ms. Lilybeth Rasonable, walang offer ang network kay Sarah. Samantala, ayon sa ilang sources ng PEP Troika, mukhang may katotohanan naman ang paglipat ni Matteo.
PHOTO/S: @matteog on Instagram

GORGY RULA

Dumikit ang combined ratings ng ASAP Natin ‘To sa All-Out Sundays nung nakaraang Linggo, July 24, 2022.

Na-promote nang husto ang pagbabalik ni Sarah Geronimo sa ASAP kaya naka-3.1% ito, ayon sa datos ng AGB Nielsen NUTAM.

Ang katapat nitong AOS, kung saan ipinagdiwang ang 72nd anniversary ng GMA-7 na pinangunahan nina Bea Alonzo at Alden Richards, ay naka-3.7%.

Read: Pagbabalik ni Sarah Geronimo sa ASAP Natin 'To, nag-trending

May mga nagtatanong pa rin kung talagang tuluy-tuloy na ba sa Kapamilya Channel si Sarah, at hindi pinag-iisipang sumama sa asawa niyang si Mateo Guidicelli sa Kapuso network.

Wala pang kumpirmasyon mula sa GMA-7 kung talagang tuloy na ang pagiging Kapuso ni Matteo. Pero may nadidinig kaming hosting daw muna ang gagawin niya sa GMA-7. Meron daw naka-lineup na cooking show at isang adventure show na bagay naman sa kanya.

Paano si Sarah, tuloy pa rin ba ang negosasyon sa GMA-7?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ang nilinaw mismo ng Senior Vice President for GMA Entertainment Group na si Ms. Lilybeth G. Rasonable.

Ayon kay Ma'am Lilybeth, walang negosasyon sa pagitan ng Viva at GMA-7 kaugnay kay Sarah.

“Ang tagal na din namin nadidinig ‘yan, but no. Wala kaming offer for Sarah G,” diretso niyang sagot sa PEP Troika.

Samantala, ang rating naman ng iba pang shows nung Linggo ay naka-4% ang GMA Blockbuster, na bahagyang natalo ang FPJ Da King na naka-3.7%.

Okay rin ang Regal Studio Presents na naka-4.3%, at sumunod ang Amazing Earth na naka-5.4%.

Pagdating sa prime time ay naka-11.3% ang 24 Oras, at 1.8% ang katapat nitong TV Patrol Weekend.

Naka-10% naman ang Daig Kayo ng Lola Ko, at 4% naman ang Idol Philippines.

Ang Kapuso Mo Jessica Soho ay naka-15.2%.

Bahagya ring tumaas ang The Boobay and Tekla Show na naka-4.6%. Special guest nila rito si Lyca Gairanod.

Read: Lyca Gairanod, kabado sa unang guesting niya sa GMA-7

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA

Pinag-usapan online ang pagbabalik ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa ASAP Natin 'To nitong Hulyo 24, Linggo. Nag-trending worldwide at naging number one topic nationwide sa Twitter ang hashtag ng programa na #ASAPSG.

Tampok ang kanyang music video performance ng kantang "Duyan" sa bagong segment na "Sarah G. Specials." Opo! May bagong segment si Sarah sa ASAP Natin ‘To, kaya malamang sa alamang na mananatili pa rin siyang Kapamilya.

Nag-trending din sa Twitter ang “Ang Probinsyano” at “Cardo” kaugnay sa finale trailer ng FPJ’s Ang Probinsyano, kung saan pormal na ini-announce ni Coco Martin na magtatapos na ang adventures ni Cardo Dalisay.

ang probinsyano trending

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Coco Martin announces last three weeks of FPJ's Ang Probinsyano

Ipinasilip sa “Ang Pambansang Pagtatapos” finale trailer ang mga kaabang-abang na mga maaksyong eksena, kabilang ang paghahanda nina Cardo, Task Force Agila, at presidente Oscar (Rowell Santiago) para misyon na patalsikin si Lily (Lorna Tolentino) upang maibalik ang kapayapaan sa bansa.

Umaatikabong ratratan ang dapat abangan ng televiewers sa paghaharap sa huling pagkakataon ng buong pwersa ng Task Force Agila laban sa kanilang mga mortal na kaaway.

Palabas ang FPJ’s Ang Probinsyano: Ang Pambansang Pagtatapos Lunes hanggang Biyernes ng gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

Payanig man sa Twitter ang ASAP Natin ‘To at FPJ’s Ang Probinsyano, wagi pa rin sa game of ratings ang All-Out Sundays at Lolong.

Aba! Trending din ang Kapuso afternoon drama series na Apoy Sa Langit na finale week na ngayon… at wagi rin siyempre sa ratings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa mga panghapong teledrama ng GMA-7, ang NUTAM People ratings kahapon, Hulyo 25, Lunes, ng Apoy Sa Langit ay 8.7%, samantalang ang Raising Mamay ay 8.2%.

Preempted ang The Fake Life dahil sa SONA, na ang combined ratings sa GMA at GTV ay 10.2%.

NOEL FERRER

Kapapanood ko pa lang kay Sarah G sa Miss Granny on GMA-7 ngayong Hulyo 26, Martes, bago mag-TiktoClock.

Medyo nakaka-disorient pero ganoon talaga, nag-iba na ang panahon.

Grabe ang taas energy nila na walang hinga talaga para sa TikTok generation.

Mukhang sulit naman ang effort nila dahil naka-4.2% ang pilot episode ng TiktoClock, kumpara sa 2.7% ng Tropang LOL.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Parehong napababalitang lilipat ng GMA Network ang mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Pero ayon sa GMA-7 executive na si Ms. Lilybeth Rasonable, walang offer ang network kay Sarah. Samantala, ayon sa ilang sources ng PEP Troika, mukhang may katotohanan naman ang paglipat ni Matteo.
PHOTO/S: @matteog on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results