PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VIRAL: Netizen, "pumayat na" nang natanggap ang National ID

Relate much ang netizens!
by KC Cordero
Published Nov 21, 2022
Photo of Joemar Santos Torres
Matapos ang mahigit isang taon, dumating na sa wakas ang National ID ni Joemar Santos Torres. Yun nga lang, nag-iba na ang kanyang itsura kumpara sa litratong nasa National ID niya.

Nag-trending ang netizen na si Joemar Santos Torres, 24, taga-Valenzuela City matapos niyang i-post sa Facebook noong November 15, 2022 ang physical copy ng kanyang National ID.

Tila kaka-deliver pa lang nito.

Ang kanyang caption (published as is): “DEAR PSA, PUMAYAT NA'KO KAHIHINTAY.”

Photo of Joemar Santos Torres

Nilagyan pa niya ito ng smiley sa dulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tawang-tawa naman ang netizens sa kanyang post dahil obvious nga ang pagbabago sa pisikal na anyo ni Joemar mula nang magpakuha siya ng photo para sa National ID hanggang matanggap niya ito.

Ayon kay Joemar sa panayam ng Philippine Star website ay noong July 1, 2021 siya nakunan ng picture nang magparehistro siya para sa National ID.

Dumating naman ang kopya ng kanyang ID noong November 14, makalipas ang isang taon at apat na buwan.

Sa comments section ay nagbahagi rin ang netizens ng kani-kanilang experience sa paghihintay sa National ID.

Netizens' comments

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May nagsabing buntis siya nang magparehistro, pero nakapanganak na siya at nag-birthday na ang kanyang anak ay wala pa rin ang kanyang ID.

Nagpahayag naman ng pagkabahala ang iba na dahil nga iba na ang hitsura ng mga nagparehistro mula nang magpakuha ng ID, baka raw akalaing peke pag gagamitin.

May nagreklamo rin sa quality ng materials at ink na ginamit sa printing.

Mayroon ding single pa nang magparehistro, naikasal na at iba na ang civil status, pero hindi pa rin natatanggap ang ID.

At biro ng iba, baka matanggap man nila ang kopya ng kanilang ID, kasabay na rin ang kanilang senior citizen ID dahil sa tagal bago mai-deliver.

Netizens' comments

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dahil sa reactions and comments ng netizen, ani Joemar, “Interesting kasi akala ko konti na lang yung di pa nakakakuha ng National ID nila.

“Nakakatuwa kasi maraming naka-relate."

Ayon kay Philippine Identification System Officer-in-charge Deputy National Statistician Fred Sollesta sa isang panayam, ang COVID-19 pandemic ang dahilan kung bakit naantala ang pag-iimprenta at pamamahagi ng mga ID.

Marami rin aniyang nakapagparehistro kaya napatagal ang paghihintay ng mga aplikante nito.

Hanggang noong October 19 ay nasa 74.2 milyon na ang nagparehistro para sa National ID.

Sa target naman ng Philippine Statistics Authority na makapaglabas ng 50 milyong physical card ngayong 2022, nasa 22.5 pa lang ang naimprenta.

Nasa 17 milyon pa lang ang naide-deliver—kasama na ang kay Joemar.

Matatandaang nilagdaan para maisabatas ni Pangulong Rodrigo Duterte noong August 2018 ang Republic Act 11055, o ang PhilSys Act, na naglalayong magkaroon ng “single national ID for all Filipinos and resident aliens.”

Ang National ID ang magsisilbing valid proof of identity para mapabilis ang public and private transactions, enrolment sa schools, at pagbubukas ng bank accounts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gagamitin din ito para epektibong maihatid ang mga serbisyo ng gobyerno, gaya ng pagkakaloob ng ayuda, tulong medikal at iba pa para may pagkakakilanlan sa mga benepisyaryo.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matapos ang mahigit isang taon, dumating na sa wakas ang National ID ni Joemar Santos Torres. Yun nga lang, nag-iba na ang kanyang itsura kumpara sa litratong nasa National ID niya.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results