PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Former President Duterte to guest in Willie Revillame's Wowowin

Willie Revillame, inimbitahan ni Duterte sa dinner.
by Jojo Gabinete
Published Sep 30, 2022
willie revillame rodrigo duterte bong go selfie
Inimbitahan ni former President Rodrigo Duterte ang Wowowin host na si Willie Revillame sa isang dinner na naganap sa Rizal Park Hotel, sa Maynila, noong Miyerkules, September 28. Kasama nila sa hapunan si Senator Bong Go.
PHOTO/S: Courtesy of Willie Revillame

Sigurado na ang guesting ni former President Rodrigo Duterte sa Wowowin.

Pumayag na rin siyang magbigay ng exclusive interview sa host ng programa na si Willie Revillame, pitong buwan matapos ang kanyang termino noong June 30, 2022.

Posibleng maganap ang panayam ni Willie kay Duterte sa January 2023 sa bagong studio ng Wowowin sa Starmall, Edsa, Mandaluyong City.

Nabuo ang plano tungkol sa special appearance ni Duterte sa show ni Willie sa ALLTV nang imbitahan ng dating Pangulo ang Wowowin host sa isang hapunan na nangyari sa Rizal Park Hotel, sa Maynila, noong Miyerkules, September 28.

Tuwang-tuwa si Willie sa imbitasyon ni Duterte dahil hindi raw siya nakakalimutan ng dating Pangulo ng Pilipinas.

"Inimbitahan nila akong mag-dinner para magkumustahan lang," kuwento ni Willie nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong Biyernes ng hapon, September 30.

Pinaunlakan din ni Willie ang hiling ng Cabinet Files na ibahagi niya ang mga larawan at video ng pagkikita nila ni Duterte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naglaan si Willie ng oras para kay Duterte dahil isang karangalan daw para sa kanyang maimbitahan ng ex-President ng bansa.

“Basta kami ni Willie, magkaibigan,” sabi ni Duterte kay Willie.

Sabi naman nito tungkol sa paanyaya ni Willie na guesting niya sa Wowowin, “Oo, pero give me time. Pag-aralan ko. Baka hindi ko na… Baka may tanong ka na kailangan ko i-recall.”

Sagot ni Willie, “Wala ho ako itatanong. I will seek your advice. I will not ask anything.

"Basta kung ano ang dapat mong gawin para mapaganda ang buhay ng mga kababayan natin."

Kasunod nito ang lubos na pasasalamat ni Willie dahil sa panahong ibinigay sa kanya ni Duterte.

Pahayag ni Willie, “Maraming salamat po sa pag-imbita sa akin. I really appreciate this. Ingat po kayo. Praying for you.”

Kasama sa naganap na hapunan si Senator Bong Go, ang malapit na kaibigan ni Duterte.

Siya ang nagsabi kay Willie na magbibigay rin ng premyo si Duterte sa guesting nito sa Wowowin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inimbitahan ni former President Rodrigo Duterte ang Wowowin host na si Willie Revillame sa isang dinner na naganap sa Rizal Park Hotel, sa Maynila, noong Miyerkules, September 28. Kasama nila sa hapunan si Senator Bong Go.
PHOTO/S: Courtesy of Willie Revillame
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results