PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Archdiocese of Cebu on priest dancing “Ting Ting Tang Tang”

"...it is not a moral issue."
by Bernie V. Franco
Published Dec 30, 2022
Priest Cebu ting ting tang tang dance
Nagbigay ng reaksiyon ang Archdiocese of Cebu kaugnay ng pagsayaw ng TikTok dance challenge ng isang pari sa Simbang Gabi sa Santo Tomas de Villanueva Parish Church sa Danao City noong December 18, 2022.
PHOTO/S: Facebook (Yeng Abinales)

Hindi “moral issue” ang pagsayaw ng isang pari sa Cebu ng viral Tiktok dance challenge na ginawa sa loob ng simbahan.

Ito ay ayon sa archdiocese ng Cebu.

Naging kontrobersiyal ang pagsayaw ng “Ting Ting Tang Tang” ng paring kinilala bilang si Fr. Dennis Boltron nang ganapin ang Simbang Gabi sa Santo Tomas de Villanueva Parish Church sa Danao City noong December 18, 2022.

Read: Priest in Cebu dances to "Ting Ting Tang Tang" during Simbang Gabi; gets mixed reactions

Ginawa ni Fr. Boltron—kasama ang ilang sakristan—ang pagsayaw sa harap ng altar sa saliw ng Christmas medley at ng sikat na Tiktok dance craze, a.k.a. the Vietnamese song na "See Tinh."

Bahagi raw ito ng kanilang fund-raising project para sa mahihirap na manggagawa ng Simbahan.

Pero umani ng batikos, lalo na mula sa mga konserbatibo, ang pagsayaw ni Fr. Boltron, dahil hindi anila angkop ang inasal ng pari sa loob ng simbahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ARCHDIOCESE OF CEBU REACTS

Sa report na inilabas ng Inquirer.net, may reaksiyon si Msgr. Joseph Tan, ang spokesperson ng Archdiocese of Cebu kaugnay ng isyu.

Paliwanag ni Msgr. Tan, si Fr. Boltron “was not dancing to desecrate the altar willfully,” na ibig sabihin ay hindi sinadyang mang-insulto sa simbahan.

“It was a nonissue except that it may offend the sensitivities of some in terms of propriety, but it is not a moral issue,” ani Msgr. Tan.

Dagdag niya, “Some may feel it is inappropriate, but it was done outside of the Mass.”

Sa video, maririnig si Fr. Boltron na nagpaliwanag ukol sa kanilang sayaw para sa fund-raising project.

Pagkatapos nilang sumayaw, at saka niya ibinigay ang final blessing para tapusin ang misa.

Ang intensiyon din daw ni Fr. Boltron ay magpakalat ng “holiday cheer,” pero hindi lahat ay natuwa rito.

Sabi pa ni Msgr. Tan sa Inquirer.net, ang ginawa ni Fr. Boltron “is not encouraged but no penalties required.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ADDITIONAL REACTION

Sa kabilang banda, naniniwala si Msgr. Tan na sana ay tinanggal muna ng pari ang kanyang vestments o abito para naging “less offensive” ang kanyang pagsayaw.

Sang-ayon dito si Dr. Rene Josef Bullecer, miyembro ng Commission on the Laity sa Cebu, na sinabing hindi dapat ginawa ang sayaw sa altar.

Sinabi rin ni Bullecer, country director ng Human Life International, sa isang interview na dapat ay disiplinahin ng Simbahan si Fr. Boltron para hindi ito tularan.

“What the priest did was not only uncalled for but sacrilegious and desecrating the altar of God,” ani Bullecer.

Tinawag din niyang “nasty” at “object of ridicule” ang ginawang pagsayaw sa loob ng simbahan.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagbigay ng reaksiyon ang Archdiocese of Cebu kaugnay ng pagsayaw ng TikTok dance challenge ng isang pari sa Simbang Gabi sa Santo Tomas de Villanueva Parish Church sa Danao City noong December 18, 2022.
PHOTO/S: Facebook (Yeng Abinales)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results