PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

"Ting Ting Tang Ting" singer past video scandal

"Ting Ting Tang Ting," revenge song?
by Jojo Gabinete
Published Dec 20, 2022
hoang thuy linh
Vietnamese singer Hoang Thuy Linh is the voice behind the TikTok dance craze "Ting Ting Tang Ting," which is actually a song titled "See Tinh."
PHOTO/S: YouTuber / Instagram

Ang Vietnamese fun-dance pop song na "See Tinh," na mas kilala sa Pilipinas bilang "Ting Ting Tang Ting," ang isa sa pinaka-popular dance craze ngayon sa TikTok.

Paborito itong isayaw ng mga Pilipino, maging ng mga Filipino celebrity gaya nina Dingdong Dantes, Anne Curtis, at Ogie Alcasid.

Ang Tongan-born actor at former It’s Showtime host na si Eric “Eruption” Tai ang isa sa mga instrumento kaya napansin ang "See Tinh" dahil sa kanyang nakakaaliw, kahali-halina, at malambot na pagsasayaw nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
@ericeruptiontai NEXT LOCATION?? #familyfued #bigboydance #eruptionchallenge #tingtingchallenge #teameruption ? ?? - ABCandE
@ericeruptiontai PART 2: saang location natin NEXT?? #bigboydance #eruptionchallenge ? ?? - ABCandE

Pero alam niyo bang "revenge song" ng 34-year-old Vietnamese singer na si Hoàng Thùy Linh ang "See Tinh"?

Dumanas siya ng matinding pagsubok sa personal at propesyonal na buhay nang kumalat ang video ng pagtatalik nila ng kanyang boyfriend, na itinuturing na pinakamalaking eskandalo sa Vietnam noong 2007.

Labingsiyam (19) na taong gulang lamang si Thùy Linh nang mangyari ang kontrobersiyang pinagpistahan ng international press.

Nakisimpatiya sa kanya ang mga kabataan, pero hindi ang mga magulang na nanawagang ihingi niya ng kapatawaran sa publiko ang kinasangkutang video scandal.

Matapos humingi ng public apology, tatlong taong hindi naging aktibo si Thùy Linh sa entertainment industry ng Vietnam.

Bumalik lamang siya noong 2010 para ipagpatuloy ang kanyang naudlot na singing career.

Dahil sa singing ability at mga dekalidad na album ni Thùy Linh, unti-unti siyang nakabalik sa showbiz industry ng Vietnam at muling tinanggap ng publiko.

Noong March 2018, naglabas si Thùy Linh ng autobiography na may pamagat na Vàng Anh & Phuong Hoàng.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tinalakay niya rito ang pag-uumpisa ng kanyang entertainment career pati na ang eskandalo na nangyari sa buhay niya.

Noong February 2022, kabilang ang "See Tinh," na tungkol sa isang lovesick person, sa mga kantang isinulat at ini-release ni Thùy Linh.

Makalipas ang siyam na buwan, naging phenomenal at popular sa buong mundo ang kanyang single na isa nang dance craze at meron nang million views sa YouTube at TikTok.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vietnamese singer Hoang Thuy Linh is the voice behind the TikTok dance craze "Ting Ting Tang Ting," which is actually a song titled "See Tinh."
PHOTO/S: YouTuber / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results