PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Stray to Security Cat in Mandaluyong

Siya si Mingming, ang sidekick ni Manong Guard.
by Chan-Chan Torres
Published Feb 2, 2023
security cat
Siya si Mingming, dating pagala-galang pusa, inampon sa isang building sa Mandaluyong at itinalagang miyembro ng security.
PHOTO/S: Dapat Alam Mo!

Kapag security guard ang pinag-uusapan, iisipin agad nating matikas ito at alerto.

Pero ibahin niyo ang pinag-uusapang guwardiya ngayon sa isang building sa Mandaluyong.

Siya si Mingming, ang pusa na itinalagang bagong empleyado sa security section ng naturang gusali.

Sa Tiktok account ng photographer and content creator na si Mark Kelvin unang nag-viral ang video ni Mingming. At press time, meron na itong two million views.

STRAY CAT NOON, "SEKYUT" NA NGAYON

Si Mingming ay dating stray cat na pagala-gala at tumatambay sa mga kainan ng building.

Ani Nena Omanga, housekeeper ng gusali sa interview ng Dapat Alam Mo! ng GMA Public Affairs, “Sa side ng parking lang talaga namin siya nakikita. Manghihingi ng pagkain.

"Mangunguha siya ng leftovers namin tapos tatakbo siya, magtatago na siya. Ganoon lagi siya. Takot siya [sa mga tao].”

Hanggang nung 2021, naisip ng management na ampunin at alagaan na lang nila si Mingming.

Dahil mabait, naging malapit ang loob ni Mingming sa mga empleyado sa building.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

security guard cat

Maging ang mga pumapasok na customers, kinagigiliwan din ang pusa.

“Siya na ang kusang nagpaampon sa amin. In-adopt na rin siya ng admin namin, at ampon na rin siya ng buong building naming,” sabi ni Nena, na hindi maitago ang tuwa kay Mingming.

MANONG GUARD’S SIDEKICK

Bilang bagong miyembro ng pamilya sa kanilang gusali, binigyan din ng responsibilidad si Mingming.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siya ang assistant ni Manong Guard.

Kuwento ni Jerome Arranchado, security guard ng building, “Umaakyat siya sa aking lamesa na para bang gusto niya ring mag-inspeksiyon ng mga pumapasok na employees.

“Mabait po si Mingming, paikut-ikot lang po siya rito at nakikipaglaro po sa mga employees natin.”

SKINNY CAT NOON, FAT MUNING NGAYON

Kung dati-rati’y nangunguha lang ng tirang pagkain, ngayon ay may sariling food bowl, water station, at cat bed na si Mingming. Nag-level up na talaga siya, di ba?

Magana na raw siyang kumain at hindi na matatakutin at matamlay gaya ng dati.

Magiliw na sabi ni Nena tungkol sa pusa, “Pag nag-out na ako, yung mga kasamahan ko naman ang nagpapakain sa kanya, nag-aalaga sa kanya.

“Nakikita ko maraming pumuri-puri sa kanya, parang masaya ka na rin.

“Nakakatuwang tingnan na ang dating stray cat na dating tinutulungan lang namin, ayan na siya."

Sabi pa ng building housekeeper, "Kinaaliwan na ng lahat. Kinatutuwaan.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Saya at ngiti ang dulot ni Mingming sa customers na pumapasok sa building.

Sabi naman ng isang customer, “Pag nakikita namin siya, talagang gumagaan ang pakiramdam namin.’ Mabuhay ka, Mingming!”

CHOOSE TO ADOPT A CAT

Sa pagsagip ng pusa mula sa lansangan, isang buhay ang natutulungan.

Paalala ni Lucia Fernandez, founder ng Red Cubs Paw Patrol: “Adopt if you can. And if you want to buy, just make sure na kaya niyong panindigan at alagaan.

"And if you buy, at least have one more space for an adoptable cat.”

Totoo nga, “You don’t choose a cat, a cat chooses you,” iyan ang lagi naming naririnig sa cat videos na pinapanood ng writer na ito.

Alam ng mga pusa kung sino ang mga may mabuting kalooban at yun ang pinipili nilang samahan at pakibagayan.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Siya si Mingming, dating pagala-galang pusa, inampon sa isang building sa Mandaluyong at itinalagang miyembro ng security.
PHOTO/S: Dapat Alam Mo!
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results