“We are accepting cash, coins and ONIONS!”
Ito ang agaw-pansing advertisement ng isang Japan discount store sa Pilipinas sa recent Facebook post nito.
Kung walang pera, puwedeng-puwedeng ipambayad ang sibuyas sa kanilang selected items.
Gamit ang sibuyas, maaaring bumili ng ilang items sa Japan Home Centre sa kanilang branch sa Panay Avenue, Quezon City.
Ganito ang nakabalandra sa kanilang promotional pic: “Pay with sibuyas”
“Sibuyas as payment!” post ng establishment sa verified Facebook page nito, February 1, 2023.
“We are accepting cash, coins, and ONIONS as payment for our selected items!
“1 onion = 1 JHC item”
Limited offer lang ito na mangyayari ngayong Sabado, February 4, 2023.
Read also
- Nakakaiyak sa mahal! Sibuyas, pang-exchange gift, sabi ng netizens
- Sibuyas, ipinambayad ng tricycle driver sa nabanggang kotse
Detalye nila sa post: “Japan Home Centre - Panay Avenue will accept an onion in exchange for your chosen product.
“Every customer has a limit of 3 item purchases only.”
Ang pakulo nilang ito ay gagamitin sa kawanggawa.
“All collected onions will be used in our community pantry.
“This promo is valid only on February 4, 2023. (Saturday)”
Ang Panay Avenue branch ng Japan Home Centre ay matatagpuan sa 84 Panay Avenue, Quezon City, near Victoria Towers.
NETIZENS REACT about the "pay with sibuyas" promo
Hindi naman nagpahuli ang netizens sa kanilang panalong mga hirit.
Sa comments section, aliw ang kanilang mga reaction sa pakulo ng Japan discount store.
Aprubado sa ibang netizens ang promo na ito, lalo pa at para ito sa kawanggawa.


Sabi naman ng isang babaeng parokyano, masaya siya sa mga produkto ng store pero pass siya sa promo dahil mas kailangan niya ang sibuyas.
National issue ang sibuyas sa kasalukuyan dahil sa pagiging presyong ginto nito.
Nagbiro naman ang isang netizen kung tatanggapin ba ng store ang onion powder.
Ang concern ng iba ay kung tatanggapin ba kahit anong size ng sibuyas.



Joke ng isa: “ok kaya kahit amoy sibuyas na lang”
Ang ilan ay parang ayaw maniwala at sinabing malayo pa ang April Fools Day.



Kaya ang establishment, gumawa ng follow-up post para sabihing hindi ito isang joke.
"You read it right! You can trade one onion for one JH item this weekend," kalakip ang link ng isang article ukol sa promo.
